Shanghai Luncheon Meat and Why Kris Aquino Shanghai-ly Recommends It.

Dear Kuya na walang alam lutuin kundi prito,

Ayan, may bago ka nang pwedeng subukan. Hindi ka na magsasawa sa Tender Juicy hotdog na kada umaga ng buhay mo e pinagpapraktisan mo. May ibang lasa ka na, na pwede i-partner sa specialty mo na sunny side up.

Nakita ko kasi yung ad ng Shanghai Luncheon Meat sa bus na sinusundan namin kanina sa EDSA. Nagtaka lang ako kung bakit isang new and up and coming brand ang kumuha ke Kris Aquino para mag-endorse.

Asan na yung mga dating endorsements ng Queen of All Media? Bakit clueless na siya sa paga-upload ng photos sa IG at Facebook, sabi ng kanyang Twitter account kanina?

shanghai-ly recommended luncheon meat

shanghai-ly recommended luncheon meat

Hindi na siya ang nasa rub-a-dub-bango. Hindi na rin siya ang endorser ng McDo. Medyo wala na rin siya sa mga commercials lately. Yung All You Need Is Pag-ibig niya, medyo pangatlo lang ata, at dahil sa KimXi yun.

Nasan na yung endorsements ni Kris?

Alam ko, gets mo yung pinupunto ko dito, kuyang kusinero. Quiet ka na lang. Aldub you.

 

Nagugutom sa umaga,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *