Dear Pepi of 2015

Dear Pepi of 2015,

Good Job. Naitawid mo ang taon na hindi ka namamatay. Magpapalit na naman ang Gregorian calendar. Congrats sayo.

Naging mabigat ang 2015 natin. Andaming wrong decisions. Maraming palpak. Hindi obvious para sa mga fans and followers mo dahil, as usual, magaling kang magtago ng hardships. Takes years of practice. Ipagpatuloy lang natin yan.

So far, nakakabawi naman tayo. Tamang disiplina lang, makaka-ahon din tayo.

Good job dun sa pinakamalaking decision na ginawa mo sa buhay 20s mo ha. Lumipat ka na ng trabaho. Makukulong ka lang dun sa lumang disposisyon mo. Kahit na sabihin natin na may posisyon ka dun, dead end sayo yun. Hindi ka aasenso dun. Also, hindi ka pa masaya. Buti na lang nakalipat ka na. At least, dito, mas masaya ka. Financially, mas ok ang standing mo. Hindi lang natin alam professionally, pero gets natin na hindi mo rin naman talaga gustong umakyat sa corporate ladder. Iba pa rin talaga ang gusto mo. Tuluy-tuloy lang tayo ha.

goodbye 2015

goodbye 2015

Risky yung ginawa mo nung late 2014 and early 2015. Buti na lang, na-gets mo kaagad na hindi para sa iyo ang business venture na yun. Sobrang lulubog tayo pag pinagpatuloy mo pa yun. May kaakibat na sacrifices pero ayos lang. Basta yung lessons, isapuso natin ha. Pwede tayo bumalik para sa learnings, pero promise, hindi natin kailangan seryosohin.

Ok yung mga gigs mo this year. Marunong ka na pumili ng events na pupuntahan. Marunong ka na rin pumili ng mga taong lalapitan. Marunong ka na rin sumuporta sa eksena na malapit sa iyong puso. Focus lang tayo sa gusto natin. Hindi ka magsisisi.

Sabi nila, iwanan na raw natin ang 2015. Tama nga sila. Pero sana, mapili natin kung alin lang ang dadalhin natin sa 2016. Ibang laban na ang bukas. Dapat handa tayo.

Malaki ang in-store sa atin kinabukasan. Simulan mo na sa pag-wield ng light saber at pag tubos ng mga nakasanla.

Pati ang puso mo, tubusin mo na. Baka abutin pa ng 2017 yan sa pawnshop. Sige ka, trenta ka na sa 2016. Baka kailangan na magseryoso.

 

Looking forward to 2016,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *