Movie Review: Walang Forever

Dear Movie Goer ngayong MMFF,

Ilang na napanood mong MMFF movie? Magkano na nagastos mo? Nag-aabang ka na ng pirata para sa ibang movie dahil wala kang pambayad sa sinehan noh?

Ok lang yan, unahin mo ang pagkain sa hapag kainan. Pero wag mo sana kalimutan yung mga nagpapasaya sa araw-araw. Sumuporta ka naman, kahit ngayon lang.

Pangalawang movie na pinanuod ko yung Walang Forever. Pang bitter ata yung movie na to, title pa lang. In fairness, si Kuya J restaurant lang ang nakita kong product placement. Ok lang yun dahil si Best Actor – Jericho Rosales naman ang may-ari nun.

jennylyn at jericho sa walang forever presscon

jennylyn at jericho sa walang forever presscon

Grabe yung pagkapanalo ni Jericho this year. Napilitan talaga ako panoorin kaagad kahit wala akong mayaya na chicks para manood. Ending, yung kapatid ko na si Choy-eats ang kasama ko. Nag-date kami parehong lalaki. Iyak kami sa movie e.

Ahahahaha.

Syempre, wala akong masasabing masama tungkol ke Jennylyn Mercado. Sobrang ganda nya, complemented pa ng galing niya sa natural na pag-arte. Palitang mo ng ibang tao yun, naku, hindi magiging ganun ka-effective ang role ni Mia.

Sobrang nakaka-relate yung pagiging writer ni Mia. Para sa isang blogger na kagaya ko, hindi mo mailalayo yung feelings at experiences mo sa sinusulat mo. Lalabas at lalabas ang mga yun. Naka-depende sa mood mo ang ganda ng sulat mo.

Hindi pa siguro ako ganoon ka-moody kaya kaunti lang ang lumalabas na sulat ko na magaganda.

Next sa line up na papanoorin ko e yung Honor Thy Father. Gusto ko malaman kung ano ang ikinatalo ni John Lloyd Cruz.

It is up to us
team tayo di ba
Kung ano plano mo, plano ko rin.
Kung ano ang laban mo, laban ko rin
Isama mo naman ako.

‪#‎WalangForever‬

Kapag naisipan mo na manood, sabihan mo ko, date tayo.

 

Feeling Jericho,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *