Dear Pepi of 2016,
Rock and Roll na tayo! Marami pa tayo gagawin.
Alam mo na ang gagawin e. Actually, ginagawa mo na sila. Nasimulan mo na nga halos lahat. Ipagpatuloy mo lang.
Ang ipapaalala ko lang sayo ngayon, kung ano ang mga hindi mo dapat gawin. Para mas ma-enjoy mo ang 2016 mo. Para hindi ka magsisi. Para no regrets ka 365 days from now. Para sa pamilya, sa kaibigan, sa minamahal. Para sa tabi, bababa na ako.
Una: Hindi ka dapat mag-diet. Kung ano ang available na pagkain, kainin mo. Hindi mo dapat gutumin ang sarili mo. Nagta-trabaho ka at may pangkain ka. Hindi ka dapat nagmumukhang malnourish. Kebs kung tumaba, habambuhay ka nang mas payat sa mga kapatid mo. Magpataba ka naman.
Pangalawa: Hindi ka dapat magtipid pagdating sa pamilya. Pag may kaya kang ibigay, ibigay mo. Wag ka nang magdalawang isip. Mag-iipon tayo ng good deed ngayon. Yung pera, dadating din yan. Dumarating na nga sila actually. Pag nagkulang ka ng pambigay sa pamilya, dagdagan mo ang kayod – hindi yung magtitipid ka pa.
Pangatlo: Hindi ka na dapat mangutang. As much as possible, hindi na dapat. Para saan pa at ang ganda ng trabaho mo kung kakapusin ka lang din. As much as possible nga, dapat, ikaw pa yung nagpapautang dahil wala ka naman mga anak na pinapaaral.
Pang-apat: Hindi ka dapat lumayas ng matagal. Kung bakasyon, sapat na ang one weekend. Well, hindi mo pa naman nagagawa na umalis ng isang buong Linggo since 5 years ago, pero wag mo na muna yun gawin this year.
Panlima: Hindi mo kailangan ng kotse, o ng motor. Wag kang bibili. Makuntento ka sa commute at pagba-bike. Magastos ang maintenance at gasolina. Lagay mo na lang yan sa savings mo.
Pang-anim: Di ba magkaka-light saber ka na? Makakapag-practice ka na? Hanap ka ng ka-tandem, o kahit ng Master Jedi. Kawawa ka naman kung mag-isa kang magf-flourish. Samahan mo ng konting parkour, ang ganda ng itsura niyan.
Pampito: Di ka dapat matakot ma-inlove. Oo, seryoso ako dito. Wag kang afraid.
Ayan. Pito lang. Baka ma-overwhelm ka pare ko. Puro bawal yan ha. Pag may ginawa ka dyan, bayad ka bente. Tignan natin kung magkano maiipon mo for Christmas 2016.
Hanggang sa susunod!
promking of 2015.