Dear Kuya na umaasa na magkakabalikan pa kayo,
Diretsuhin na kita ha.
Alam ko, masakit, pero kailangan mong marinig ito.
Closure, alam mo ba ang salitang yan? Yan yung huling paalam. Mi Ultimo Adios. Gusto niya marinig yung boses mo, sa unang araw ng 2016, para siguro makapagsimula siya ng bago. Gusto niya malaman na okay ka lang. Gusto niya na wala siya iiwanang masamang tinapay na may amag, dahil alam niya na nakakasakit ito ng tiyan pag kinain mo pa.
Ikaw, akala mo naman, may chance pa. Nakatapos ka na ng 3 month rule at may extra ka pang 52 days. Nasubukan mo na tumalon ulit sa waterfalls, bagbike sa EDSA, tumakbo sa skyway, at lumipad gamit ang grabheli. Move on ka na dre.
May bago na siya. Kakasabi niya lang. Okay na sila, at ginagalang niya ang kung anong meron sila ngayon. Kung hindi mo kayang respetuhin yun, respetuhin mo naman ang sarili mo.
You deserve better, sabi nung friend mo sa Twitter.
Subukan mo magsimula ulit. Limang araw na ang lumipas sa 2016, feeling mo, July 2015 pa rin? Grabe ka naman kuya.
Walang Forever, at kung meron man, hindi ito tungkol sa inyo. Sana gets mo. Alam kong gets mo. Ayaw mo lang tanggapin.
Ang totoo, hindi ka rin naman makikinig sa akin eh. Susubukan mo pa rin. Ganun ka kasi. Hindi ka basta-basta. Sige lang, paka-tanga ka lang. Trip mo yan eh. Basta, pag hindi mo na kaya, magpatawag ka lang ng KnP Meeting. Darating ako. Darating kami. Aalalay kami. Susubukan natin ilayo ang sakit na nararamdaman mo.
Iiwanan natin sa Burger Machine sa may Taft Avenue ang bigat na nararamdaman mo. Paaalurin natin sa Pico de Loro, Hamilo Coast ang pagkainis mo. Yung katangahan mo, Iaakyat natin sa Peak 3 ng Mt. Pulag. Sasamahan ka namin.
Pagkatapos nun, move on na ha.
Please lang. Hindi yan EDSA. Pwede mag move on.
Nakikiramay,
salamin ni promking