Akala Ko Ba, Walang Tulugan?

Dear Kuya Germs,

Akala ko po ba walang tulugan?

Yan yung sinasabi mo parati. Tatak mo na yan. Kahit sinong nakakakilala sayo, kahit pa tagahanga mo lang na kagaya ko, mga feeling close, at hindi naman talaga member ng Tuesday Troop, yan ang masasabi tungkol sayo.

Mauuna na akong magpasalamat. 

germs

Salamat sa pag nurture sa mga artista, banda, celebrities, at models na meron tayo ngayon. Wala kang sini-sino. Malaki man o maliit ang pangalan, okay sayo.

Minsan nga, napapansin ko, sa late night show mo, pilit mong sinasabi na magaling yung isang artist, kahit obvious na hindi. Punung-puno ka ng positive comments, something na kailangan kong maaral. Nakakapag-boost ka ng energy. Kaya nga love ka ng madami eh.

Salamat sa walk of fame sa Eastwood. Ikaw ang nagsasabi kung sino ang pwedeng magkaroon ng star dun. Yung pinakahuling set na nabigyan mo e ang Kalyeserye cast. Salamat, at sa ganitong paraan, mas may kongkretong award ang mga celebrities… literal.

Mukhang kailangan nila ng Master Showman sa langit. Mukhang matatagalan bago matulog si San Pedro. Hindi na titilaok ng wake up call yung manok niya.

Let me just pose this as a challenge, kung sino man ang gustong sumunod sa yapak mo. Sana kasinggaling, kasing-bait, at kasing-sipag mo. Sana kaya kang pantayan, o higitan.

Sana, hindi din siya natutulog.

Hanggang sa muli,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *