Will Pia Wurtzbach FALL For This News Anchor?

Dear Ate Na May Crush Ke Atom Araullo,

Miss, ok ka naman eh.

Maganda ka. Mabait, Matalino. Kaso, busy si Atom Araullo. Nasa Quiapo siya ngayon, nagko-cover ng Nazareno.

Naalala mo yung 10 seconds with Atom Araullo na nag-viral dati? Dahil sa delayed feed ng ABS-CBN news, mahuhuli mo si Atom na nakatitig sa lens ng camera bago bumitaw ng “kabayan, makikita mo nga dito na…” spiel nya. Ilang ulit mo rin yun pinlay sa YouTube. Nasira na nga yung left click ng mouse mo kaya napabili ka sa CD-R King para lang mai-play ulit yung video ng anim na pu’t walong beses pa ulit.

Nag-FLAMES ka pa nga ng pangalan mo at pangalan niya. Umasa ka na Lovers ang lalabas kaso lumabas na Admirers lang. Pinilit mo pang ipasok yung Middle Name niyo pero nahirapan ka hanapin ang Middle name niya. Napa-Google ka pa tuloy.

Kaso ngayon, mukhang may niluluto na LoveTeam ang Netizens. Nag-viral ang PiaTom sa Twitter.

Hindi ka maka-angal. Hindi mo makuhang magalit ke Pia Wurtzbach. Wala kang laban dun. Miss Universe yun. Ilang beses sumampa yun sa Binibining Pilipinas pageant. Ikaw, sa tawiran sa Ortigas ka lang sumasampa pag tinatamad ka tumawid gamit yung Pedestrian overpass.

Bagay naman sila. Matalino din si Pia, mabait, maganda. Ipagpaubaya mo na sa kanya si Atom.

Maging fan ka na lang din ng love team nila.

Malay mo, yung Atom Araullo mo, yung nasa kabilang cubicle lang sa opisina ninyo.

Masyado ka lang choosy.

Nagsa-suggest lang po,
promking

piatom

piatom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *