ANO TOH? Bawal Ang Personalized Wedding Vows Sa Kasalan?

Dear CBCP president and Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas,

Nabasa ko po yung article tungkol sa personalized Wedding vows. Hindi ko po alam kung saan ninyo ito sinabi at kung para saan ang balita pero medyo nainis po ako.

Nag-aral po kasi ako sa Dominican College, Sta. Rosa. Elementary days pa lang, pinag-aaralan na namin ang seven sacraments. Madre ang nagturo sa akin. Kung may tumatak man sa isip ko, yun e yung “kung sino ang nago-officiate ng kasal”, Sa pagkakatanda ko po, yung ikakasal ang importanteng elemento.

Sacrament of Matrimony does not happen without a husband and a wife.

Ngayon po, siguro nga, walang provision sa Sacramentary ang personalized vows. Walang lugar. Walang nasusulat. Hindi ko alam kung magbabago ito. Ang sa akin lang sana, wag ipagbawal ang nakasanayan.

Kung trip ng ikakasal na bumigkas ng personalized wedding vows sa gitna ng kasal, kahit sa loob ng Homily, sige payagan natin. Kailangan din yun ng Team 360 Degrees para sa Same Day Edit nila.

 

Mahal ko ang Sacramento. Dapat lang sana, maging flexible tayo. I am sure, yung Jesus na mago-officiate ng kasal, dahil nagkatawang tao siya, mag gugustuhin na kiligin ang lahat ng dumalo, lalo na yung mga ikinakasal, kesa maging boring ang ceremony dahil sa rules ng simbahan.

Hindi pa ako ikinakasal. I don’t think it will happen very soon. Sana lang, pag time na ng pagharap namin sa altar, masabi ko sa harap ng lahat ang laman ng puso ko, hindi yung binabasa lang sa libro.

For Personalized vows,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *