Dear Kuya Na Hindi Naliligo Pag Rest Days,
Kuya naman, everyday agenda ang paliligo. Gawin naman natin araw-araw.
Ilagay natin sa everyday task yan. Sayang yung kojic soap na pinilit sayo ibenta nung high school classmate mo na nagnenetworking kung hindi mo pa yan gagamitin. Milyonaryo na siya, wala ka pa rin repeat order. Baka lumabas na yung kotse niya, hindi ka pa rin nagjo-join.
Ligo-ligo din pag may time.
Kaya ka pinagpalit ng jowa mo dun sa basagulero e, yun kasi naliligo.
Araw-araw yun kung maligo. Safeguard ang sabon nun. Clear ang Shampoo. Isang timbang tubig at wala nang refill-refill. Sakto na sa kanya yun. Nagmamadali pa yun dahil late na siya sa 5pm session sa tindahan ni aling Jolens para sa Tanduay Thursdays. Alam mo naman sa barangay ninyo, pag late ka, ikaw ang taya sa long neck.
Gawain ko rin naman yan lalo na pag wala akong lakad pag weekends. Tsaka pag may sakit ako, feeling ko lalala ang sakit ko pag naligo ako dahil lalamigin lang ako. Punas punas lang. Tsaka mag-iisip pa ako ng palusot, wait ka lang.
Para naman maging presentable ka, tsaka para na rin may magka-gusto pa sayo, subukan mo maghilod hanggang buto. Yung isang todo paligo lang. Shave mo na lahat ng dapat i-shave. Kayurin mo na lahat ng dark spots. Imbes na shampoo lang, mag conditioner ka naman. Magkulay ka ng buhok, mag-ahit ka ng bigote, tsaka mag-moisturizer ka. Hingi ka ng tips dun sa mga metrosexual mong officemate. Sure ako, mapapansin ka na sa office. Gagaan ang pakiramdam mo, magboo-boost ang confidence mo, at matatanong mo na si crush ng “Will you be my valentine?”
Basta, maligo ka na. Ambaho mo na e.
nagtatakip ng ilong,
promking