Dear Pauleen Luna

Dear Pauleen Luna,

Napaka-elegante mo. Napaka-ganda. Timeless ang beauty mo.

Hindi ako actually nabigla nun naging kayo na ni bossing. Coming from a relationship with Pia Guanio, medyo gets ko na – ang trend ni bossing ay pabata nang pabata. Ine-expect ko na nga nun na pag naghiwalay kayo e ke Ryzza Mae Dizon siya mapunta.

Pero napigilan mo yun.

Hindi ko alam kung dinaan mo sa talent, sa pagiging bibo, sa hosting skills, sa pagiging maganda, masinop, matipid, o kuripot. Kung ano mang magic yan, it worked.

Mahal na mahal ko si bossing. Isa siya sa mga iniidolo ko sa industriya. Yung mga jokes niya na nasa timing, yung charisma niya na mas malupit pa kay Bong Revilla, yung experience niya with 36 years sa noontime, at yung pagiging generous niya, lahat yan hinahangaan ko.

Malamang yun din ang nakita mo sa kanya at higit pa.

Patunay ito na ang May-December relationship ay hindi lang nilalagay sa term paper sa Psychology. May ganito talagang klase ng istorya. Tunay na buhay. Sana nga, forever na.

Kaso, sabi nun iba, 10 years na lang daw at most ang forever na makukuha mo dyan sa pinirmahan mong marriage contract. Sabi ko naman, wag na silang inggitero. Mabuti nang may 10 years of forever kesa forever kang wala.

Congratulations sa iyo, sa inyo. Sana magbunga ang inyong pagmamahalan.

Agad-agad.

At kay bossing Vic Sotto… Mwah mwah, chup chup.

Wising you dabes,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *