You Will Be Protected By My Lightsaber

Dear Kuya,

Happy Birthday. Trenta’y uno ka na. Isa na lang, wala ka na sa kalendaryo.

Una sa lahat, salamat. Sa pagiging mabuting role model. Hindi lang sa order ng paglabas natin sa mundo ka nagiging panganay para sa amin. Sa pagiging advanced at forward thinking mo, karapatdapat ka nga sa titulo.

Sorry na rin. Wala naman ako dapat ipag-sorry dahil wala naman din akong kasalanan sayo. Promise, hindi ako kumukupit ng chichirya sa stash mo. Hindi rin ako nangungupit ng bente sa wallet mo. Alam natin pareho na walang laman ang wallet mo.

Minsan lang, kumukupit ako ng Yakult sa stash ni Khiel. Sa kanya na lang ako magso-sorry.

Promise, mas magiging involved at cooperative pa ako. Lalo ngayon at matangkad na si Khiel, marami nang alam. Magiging ok din ang lahat, ako na nagpa-promise sayo.

Happy Birthday Kuya Andrew

Happy Birthday Kuya Andrew

May wish lang ako.

Sana, alagaan natin ang sarili natin. Kung kailangan mag-diet, gawin natin. Mahirap magkasakit. Hindi ko kaya mag-isa. Kumbaga sa MMORPG, naka-party na tayo. Ako na hahampas, heal mo lang ako.

Sana, maging mas fruitful pa ang mga efforts natin sa trabaho. Nasa character mo naman ang pagiging boss. Lalo pa ngayon at 7 years ka nang tatay, compassionate ka na. Ako, malayo pa ako sa pagiging ganun.

Sana, sumakto ang mga desisyon natin. Andaming choices, andaming pwedeng paglaanan ng oras.

Sana, swertehin ka pa lalo. Alam ko, maswerte ka na. Pero sana, manalo ka ng 200 million sa Lotto. Tumaya ka lang.

Balato ko ha.

Happy Birthday. May the force be with you!

iyong sidekick,
promking

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *