That Feeling Between The First And The Second Date

Dear 2nd Date,

Matagal na tayong hindi nagkakatagpo a. Sana naman magkita na tayo ulit.

Second date, yan ang pangalawang pagkikita ninyo. Yan yung repeat nung first date. May mas malalim na dahilan na para magkita kayo. Hindi na yung curious lang. Hindi na yung napagbigyan lang o yung wala ka lang magawa. Hindi lang yung dahil nagki-crave ka ng ice cream o may pa-expire kang GC ng isang restaurant.

Ito yung gusto mo pa siya makilala pa ng lubusan. 

2nd date

Usually, sa second date, mas magkakamabutihan kayo. Pwede ka pa rin mag best foot forward, yung expected gastos – ganun pa rin. Pero sa second date, alam mo na interesado siya.

Alam mo na gusto niya.

Sana lang makakuha tayo ng second date. For the past 3-4 months, puro tayo first date e.

Pag napabalik mo siya sa loob ng isang linggo, alam mong may something.

Magkita naman tayo soon,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *