This Dad Sacrificed Himself For His Son – Great Parenting

#lightsaberph #padawan

Dear Young Padawan,

Napaka-swerte mo, yung tatay mo sobrang cool. Tinuruan ka niya humawak ng Lightsaber. It is an elegant weapon for a civilized age.

Cool pa ng kulay ng lightsaber mo, blue. It is Skywalker’s blue. Tapos, yung kay dad, yellow. Napakaganda ng wielding ninyo. Sa pag weave ninyo, para akong nanonood ng northern lights. Aurora. Napakaganda.

Kinakainggitan ka siguro ng mga kaklase mo. Yung mga dad nila, walang oras sa kanila. Yung mga dad nila, pag-uwi sa bahay; TV, kain, at tulog na lang ang nasa isip. Yung iba nga wala pang tatay.

Cherish mo na ang moment na to. Minsan ka lang bata. Minsan lang din may energy ang dad mo para makipaglaro pa sayo. Swerte mo talaga, yung dad ko, ganyan din e. Kotse naman pinag-uusapan namin.

Sa paglaki mo, tandaan mo ang moment na ito. Sa pagtanda mo, pakatandaan mo na ang pamilya ang una mong kakampi. Pag ikaw ay tatay na, sana, gawin mo rin ito sa anak mo – in one way or another.

Nakakainggit ka,
promking

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *