Carrotman (Jeyrick Sigmaton)

Dear Chenee De Guzman,

Kilig ka ng sobra noh?

Yung crush mo, ninakawan mo ng litrato, pinost mo sa FB, dumami ang likes at share. Nakakatuwa naman kasi talaga yung pagkaka-caption mo at yung usapan ninyo ni Edwina T. Bandong.

Carrot cake? Sarap siguro nun. Gusto ko rin makatikim. Nagbebenta ba kayo? Ano ang instagram mo, para maka-order ako para sa birthday nun friend ko. Nakalimutan ko siya bigyan ng cake kahapon. Sayang, once every 4 years lang siya mag birthday.

Next time, wag ka na mahiya magpa-picture. Si yayadub nga, pa-pic lang ng pa-pic sa mga hotties kahit hindi sila sikat pa. Pagdating ng tamang panahon, rumu-road trip na siya sa Tagaytay with Pambansang Bae.

Kaya nga ako, nagpapa-picture din ako. Malay mo, sumikat yung mga ka-picturan ko. At least, nauna na ako magkapagpa-pic.

Salamat sayo, pinakilala mo si Carrotman sa aming lahat. Siya ang tagapagdala ng Beta-Carrot-ene. Marami na ang kakain ng carrots ngayon.

May crush din akong igorota e. Maganda siya, promise. Papakilala ko siya sayo pag nagkita-kita tayo.

I love orange,
promking

 

6 responses to “Carrotman (Jeyrick Sigmaton)

  1. Paborito ko rin iyan, carrotcake. Hahaha. Pero malamang dahil sa naluto na at processed, baka halos walang natirang beta carotene.

  2. I love your blog , a very nice design !

  3. Haha, what’s that shirt made from? Haha boyfriend material. Keep it up bro. Carrotman looks like a young Keanu Reeves. Chenee De Guzman sounds upset though? I want to speak Filipino language, it is class. And maybe I can live up in the Cordillera also.

  4. dahil kay Carrotman, halos lahat ng mga may binubuhat na stolen shot, may mga pangalan na haha.. Nung nagpunta ako sa Strawberry farm, I saw a guy na may buhat buhat na isang box na puno ng lettuce and pinangalanan ko na syang Lettuceman hehe

  5. Carrot man looks like a student of mine..

  6. This very photogenic vegetable farmer is setting hearts ablaze in the Philippines, after a Facebook user spotted the man and circulated his photos online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *