KnP Daily: On Being Negative

Dear Kuya Na Morbin Mag-isip,

Napaka-negative ng utak mo. Simple lang yung task, simple lang yung gagawin, simple lang yung steps, at simple lang yung resulta, pero ikaw – iniisip mo kaagad na hindi natin to kaya.

Iniisip mo kaagad na hindi natin to magagawa, na imposible, na sayang lang ang oras natin, na mas mabuti pang manood tayo ng Fliptop battle at kabisaduhin yung linya ni Shehyee ke Loonie, na mas mabuti pang ulitin ang Naruto Marathon na umabot na ng 400 episodes, na mas mabuti pang maglaro ng clash of clans kahit ang ginagawa mo lang naman e mag harvest ng gold at elixir.

Ganito ka kasi mag-isip eh:

  1. Wag kang maglalakad pag kumakain ka ng lollipop. Pag nadapa ka, matutusok yung ngalangala mo ng stick, tatagos sa utak mo at mamamatay ka.
  2. Wag ka nang umiyak. Ang katawan ng tao ay 70% water. Kung iiyak ka ng tatlong sunod na araw, either malulunod ka o mauubos tubig mo.
  3. Wag kang kakain ng sobrang anghang. Mapapatakbo ka sa labas ng bahay ninyo kahahanap ng tubig. Masasagasaan ka ng pison at mamamatay kang flat-chested.
  4. Wag kang bibili sa tindahan ng kuya na nang-agaw sa ex mo. Tandaan mo, sari-sari store yun na malapit sa kusina. Kahit may dala kang panaksak, maglalabas siya ng lightsaber. Isang swing lang, putol na yang etits mo.
  5. Wag kang maglalakad sa dilim. May nag-aabang sa sulok at may hawak na patalim. Sasaksakin ka sa tagiliran para makuha lang ang iyong pitaka. Mahirap lang kayo pero hindi siya maaawa.

Minsan kasi, kailangan mo talaga mag positive thinking. Sabi ni Chito Miranda: Wag kang matakot na baka magkamali,
Walang mapapala kung di ka magbakasali
Dahil
Lumilipas ang oras,
Baka ka maiwanan kung hindi mo susubukan.

try mo,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *