Movie Review DAW – Always Be My Maybe

Dear Arci Munoz,

Bida na ah. Congrats.

Naaalala ko talaga yung ex ko na taga-Pasig sayo e. Yung alam mong maganda, sexy, pero matinis yung boses. Yun bang kung hindi ka maganda, asar na sayo ang tao dahil sa tinis ng boses mo.

Samahan mo pa ng pabebe, ng jokes, ng char, you get a package na sasabihin mong pwede talaga.

Hindi ka lang pang-model e. May wit and humor ka. May timing ang bitaw ng linya mo. Mabilis ka mag-isip. Lastly, loyal ka. Kung may dapat maging idol sa generation ngayon, ikaw yun.

Yung pag-ganap mo sa movie na Always Be My Maybe, grabe yun. Bawat bitawan ng linya ninyo ni Gerald Anderson, tagos sa akin e. Yun bang mga paasa lines, ano dapat gawin kung may pafall kang friend, tsaka yung defining the relationship; lahat yun gets ko.

Masayang panoorin ang movie ninyo lalo na para sa mga kagaya ko na 90’s babies na ngayon umaasa pa rin sa forever. Yung mga hugot ninyo, swak sa mga sitwasyon sa mga Spoken Word enthusiasts. Yung mga sitwasyon ninyo, para talaga sa mga hindi pa maka move on dun sa ex niya na taga-Pasig.

Superb talaga. Pag tatanungin na ako kung ano ang favorite movie of 2016 ko, hindi ko isasagot yung Kung Fu Panda 3. Ang sasabihin ko, Always Be My Maybe.

Magkita tayo sa next blogcon (yun kung trip ako imbitahan ng PR),
Promking

eto trailer:

 

One response to “Movie Review DAW – Always Be My Maybe

  1. Naintriga ako dito Pepi hahaha. Makapanood na nga neto. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *