People That You Meet at Club Balai Isabel

Dear Bakasyonista Na Gustong makita nang Malapitan ang Taal Lake,

Question: What is Club Balai Isabel, Talisay, Batangas?

It is a weekend getaway. A summer outing – pwedeng friends, pwede rin family, pwedeng significant other, at pwede din yung mga strangers lang na na-meet mo from Tinder.

#TRTbloggerPepi with #TRTbloggerFPJ

#TRTbloggerPepi with #TRTbloggerFPJ

Pwede nga itong Team Building ng officemates mo pag sobrang dami na ng ginagawa ninyo sa trabaho at gusto ninyong mag relax.

Pwede rin dito yung mga Titas of Manila, o yung berks ng mom mo sa simbahan na nagbibilang ng koleksyon pag trip nila mag bonding kasama yung bagong kura-paroko ng inyong parokya.

So sinu-sino ba ang makikita mo pag bumisita ka dito in a random weekend? Kanino ka pwede makipag-usap kapag bored ka na? Ano ba ang pwede ninyong gawin?

Bikes and Pedicabs are available for rent

Bikes and Pedicabs are available for rent

FIRST – Mga Bata.

Minsan makukulit sila. Pero di ba kailangan naman nila mag-enjoy. Lalo pa ngayong summer, mainit. Dapat maibabad yang mga yan sa swimming pool.

Dapat syempre, tignan-tignan mo rin. Though lahat ng swimming pool ay may naka-antabay na lifeguard, do not leave your children unattended pa rin dapat tayo.

 

The biggest and deepest pool, say 9 feet deep. para sa magaling sumisid

The biggest and deepest pool, say 9 feet deep. para sa magaling sumisid

dalhin yung pamangkin mo na makulit, dahil may iba pang mas makulit sa kanya. unang umiyak, talo.

dalhin yung pamangkin mo na makulit, dahil may iba pang mas makulit sa kanya. unang umiyak, talo.

Whole Court. Dalhin na ang Barangay Ginebra

Whole Court. Dalhin na ang Barangay Ginebra

SECOND – Mga Magkasintahan.

Marami neto. Nahiya na lang akong kunan sila ng pictures, kasi nga, moment nila. Quick getaway eh.

Kain, tambay, kwentuhan, palitan ng story, at pagbuo ng plano sa buhay. Yan ang agenda nila. Ngitian mo na lang pag napatingin sila sayo. At pag nahirapan sila sa pag-selfie, make sure na i-offer mo ang expertise mo. Minsan ka na lang magiging photographer, pasayahin mo na sila.

Wag mo lang itakbo yung iPhone 7 na ginamit mo pang-pic sa kanila.

an empty bench, ikaw na lang ang kulang

an empty bench, ikaw na lang ang kulang

sssshhhh. wag kayo maingay,

sssshhhh. wag kayo maingay,

Spousal of Mary and Joseph Chapel. Perfect for weddings

Spousal of Mary and Joseph Chapel. Perfect for weddings

PANGATLO – Mga Umaattend Ng Conference.

May dala silang mga conference kits. Naka-uniform pa sila. Minsan lang silang magsama-sama kaya todo kwentuhan yang mga yan. Malalakas sila tumawa, expected na yun.

Binubuo nila ang concepts at naglalatag sila ng plano. Kailangan nila ito para lumago pa ang business nila. They are there for the business. Pwede mong subukan kunin ang number nun pinakamaganda sa kanila.

This hall is for learning, conferences, meetings, planning, and other in-door gatherings.

This hall is for learning, conferences, meetings, planning, and other in-door gatherings.

The smallest pool. Tatlo swimming pools nila, eto yung pinakamaliit. Intimate pool tawag ko dito.

The smallest pool. Tatlo swimming pools nila, eto yung pinakamaliit. Intimate pool tawag ko dito.

This is just one of the features of the secret garden (Tagong Gubat). make sure you take a selfie with it.

This is just one of the features of the secret garden (Tagong Gubat). make sure you take a selfie with it.

PANG-APAT. Mga bumisita para kumain.

Masarap ang ala carte orders sa menu ng Club Balai Isabel. Pang-championship, for sharing, at talagang nakakabusog. Makakalimutan mo din ang name mo.

Favorite ko yung mga prito, yung salad, tsaka yung shake.

Usually, yung mga naka-stay, naka-buffet sila.

Sa sobrang sarap ng pagkain, nakalimutan ko na picturan yung iba. Eto lang nakunan ko.

Sa sobrang sarap ng pagkain, nakalimutan ko na picturan yung iba. Eto lang nakunan ko.

Watermelon Shake has watermelon garnish. watermelon - watermelon - watermelon

Watermelon Shake has watermelon garnish. watermelon – watermelon – watermelon

Cheesy Kaldereta

Cheesy Kaldereta

PANLIMA. Pamilya at Barkada.

Sila yung nag-ipon para makapagbakasyon grande. Alam mo na yan. Madi-distinguish mo kung sino ang manager dahil siya ang lumalapit sa cashier para magbayad. Sa kanya din lumalapit mga chikiting pag gusto nila mag billiards o mag-bike.

Alam mo kung sino ang blacksheep dahil siya ang parating naka-headset.
Alam mo kung sino ang yaya dahil siya yung tahimik lang at parating nakabantay sa mga bata.
Alam mo kung sino yung mga lola at tita dahil sila yung malakas tumawa at mabagal maglakad.
Alam mo na may nawawala sa kanila pero wala kang paki-alam.

 

Ready na po sila maglibot sa Club Balai.

Ready na po sila maglibot sa Club Balai.

Isabel's offers Pizza too.

Isabel’s offers Pizza too.

with Sam of FollowYouRoad

with Sam of FollowYouRoad

Club Balai Isabel hosts weddings. You will bump to lovely bridesmaids every once in a while.

Club Balai Isabel hosts weddings. You will bump to lovely bridesmaids every once in a while.

PANG-ANIM. Ang Staff.

Naku! Maging mabait ka sa kanila. Masisipag sila. Sa dami ng bisita sa resort, nakukuha pa nila mag-smile.

Pinakamaganda sa kanila yung nasa front desk. Busy lang kaya hindi ako nakapagpa-pic.

Madali din makahiram ng mga gamit. Ultimo screw driver, pwede ka manghiram. Nung nagpalit ako ng battery ng lightsaber ko, nakahiram ako dun sa karpintero nila.

IMG_20160227_144239

The receptionist is armed with a Lightsaber. Beware. (joke lang, hiniram niya lang yung lightsaber ko)

The receptionist is armed with a Lightsaber. Beware. (joke lang, hiniram niya lang yung lightsaber ko)

 

Madami ka pa mami-meet dun. Sure ako, hindi ka mauubusan. Kung niyaya ka lang nung pinsan mo na mag-chaperone sa barkada trip niya, wag ka na mag-atubili na sumama. Dun ka na humanap ng ka-date.

BONUS: Pag naubusan ka ng yosi o chichirya, may coop sari-sari store sa katabing gas station. Open yun hanggang 9pm.

Just a few hours from Manila, away from the busy roads of Tagaytay and Sta. Rosa, you can reach Talisay Batangas by taking the South Luzon Expressway connecting to Star Tollway.

You can plan your quick getaway now.

Club Balai Isabel
Talisay, Batangas
Contact Nos.: (02) 897-0229, (043) 728- 0307
Email: info@balaiisabel.com

One response to “People That You Meet at Club Balai Isabel

  1. nice place

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *