Meeting Place #Tagpuan

Dear Mommy Na Mahilig Mag-Mall Kasama Ang Junakis,

Bakasyon na. Tapos na ang klase. Panahon na para pag ipunan ang kasunod na school year. Pero syempre, bago yun – I am sure magyayaya yung mga anak mo na maglakwatsa.

Pwedeng sa SM Southmall, pwede din sa Splash Islad. Yung iba, dun sa Pico de Loro, yung iba pa sa Club Balai Isabel. Kahit saan pa yan, dapat mapagkasunduan ninyo ang mga bagay-bagay; kung ano ang bawal, kung magkano ang budget, kung anong oras dapat kumain, matulog, maglaro. Pati itinerary, sana naiayos na ninyo bago makarating sa destinasyon.

Mahirap kasi magkawalaan. Lalo na kapag ang isa sa inyo e walang cellphone. Ang masaklap neto, pag na-lowbat ka at wala kang powerbank from Huawei. Yung may activity kayo na kasunod pero hindi ninyo masimulan dahil hindi kayo kumpleto.

Hay saklap. Kulang pag pinicturan.

Nakakaiyak.

Kaya I suggest, pagdating ninyo sa lugar, mag-usap kaagad kayo – saan ba tayo magkikita? anong oras? pag nagkahiwalay tayo, magtagpo tayo sa Jollibee na malapit, dun sa may mascot. Umorder ka ng chicken, ako na magbabayad. Wag ka aalis dun. I am sure andun ang manager ng Jollibee para alagaan ka.

“Basta wag kang makikipag-usap sa hindi mo kilala. Stay put ka lang. Pupuntahan kita. Pangako.”

Ganyan,

Parang yung sa video na ito:

 

 

follow @bestfriendjollibee on IG,
promking

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *