Saan Ba Galing Ang Salitang Sakali?: A MOVIE REVIEW of Sakaling Hindi Makarating

#ReflectionPaper
#PwedeKopyahin

Dear Mel E,

Grabe the movie, andaming feels. Mas nakilala kita, at si Ice Idanan – Best Director, dahil sa movie na ito. Ramdam ko kahit papano yung tinatakbo ng puso mo. I am sure marami din naka-relate.

Alam mo yung Plan B di ba? Sabi ni Tipsy D sa laban niya kay BLKD, mga sablay lang daw ang gumagawa ng Plan B. Importante kasi talaga yun. Hindi lahat ng bagay perpekto. Kailangan, tanggap mo na.

Kahit magaling yung wedding coordinator mo, may chance pa rin na makalimutan niya yung safety pin para sa prosperity dance. Malaki yung chance na ma-mispronounce niya yung pangalan ng ninang mo from Canada. Hindi rin unlimited ang supply niya ng ballpen.

Ang sinasabi ko lang dito, kailangan natin tanggapin na pumapalpak tayo. Tao tayo e.

Dito papasok yung SAKALI. In English, “in case”. Kapag hindi tumugma, papasok ang sakali. Pag hindi gumana, nakaabang ang plan B. Pag hindi makashoot ng bola ang first five, andyan ang second unit. Pag na-flat ang gulong, ilalabas ang reserba. Kapag hindi pwedeng lumipad ngayon, magpapa-rebook ka ng flight mo.

SAKALI.

Masarap din isipin na hindi mo na kailangan ng Plan B. Ang kaso, kahit ganun pa kayo katagal, kahit andami niyo nang nai-pundar, kahit na malalim na ang pagkakakilala niyo sa isa’t isa, at kahit kilala mo na by name lahat ng pinsan niya, minsan talaga, hindi kayo maga-agree sa isang bagay. Yung bagay na yun, dahilan para hindi kayo magkatuluyan. Yung bagay na yun, pipigil sa inyong mga plano.

At mawawala.

Masaklap neto, wala kang SAKALI. Wala kang plan B.

Congratulations Mel E. I know, malayo pa yang mararating mo. Tuluy-tuloy mo na yan. Suporta lang ako dito. In case magdalawang isip ka, sakaling mapahinto ka at mapag-isip kung tama ba ang direksyon na yan, tandaan mo lang na maraming nakaalalay sayo. Sakali lang, andito lang ako.

your fan,
promking

with Melai, producer of #SakalingHindiMakarating

with Melai, producer of #SakalingHindiMakarating

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *