Derek Ramsay and Iza Calzado Run For Senator in May 2016

KILIG AT ROMANSA SA GITNA NG PULITIKA, HATID NINA DEREK, SHAINA AT IZA SA “MY CANDIDATE” SA MAYO 11!

Naiibang kuwento ng  romansahan at pag-iibigan ang hatid nina Derek Ramsay, Iza Calzado at Shaina Magdayao ngayong panahon ng eleksyon. Ito ay ang “My Candidate” mula sa Quantum Films, MJM Productions, Tuko Film Productions at Butchi Boy Films na siyang naghatid sa publiko ang award-winning at critically-acclaimed romantic-comedy films, “English Only, Please!” At “#WalangForever”.

Ang kakaiba sa movie, sa daigdig ng pulitika ang background ng movie kaya naman napapanahon din ang pagsasabuhay ng kuwento ng tatlong nilalang na sumabak sa kampanyahan.

My Candidate

Mula sa pagiging Congressman, tumakbo bilang Senador si Sonny Suarez. Ideal siyang kandidato dahil masipag, dedicated at makabayan. Masasabing perfect candidate siya pero likas ang pagiging mahiyain at takot humarap sa publiko.

Si Vera Sanchez naman si Iza na kalaban ni Sonny sa pagtakbo sa Senado. Nasa kanya na ang lahat ng katangiang wala kay Sonny; sosyal, charming at engaging. ‘Yun nga lang, hirap siyang makibagay sa masa.  Siya rin ang ex-girlfriend ni Sonny.

Lalabas naman si Shaina biglang si Billie Pono, isang life coach and communications trainer.  Kinuha siya ng campaign team ni Sonny upang hasain nang husto sa public speaking at mapalabas ang angking charisma.

Nagawa naman ni Billie ang trabaho upang maging dream candidate si Sonny at naging malapit sila sa isa’t isa.  Nagawa ring ilabas ni Sonny ang unresolved issues  at insecurities sa buhay ni Billie kaya naman nagawa niyang ilabas ang potensyal at tunay na pagkatao ng trainer.

Sa totoo lang, mula nang ilabas ang teaser ng “MC” sa Facebook account ng movie, humamig na agad ito ng halos milyong views, shares at likes. Aliw na aliw sila sa natural na acting nina Derek, Iza at Shaina. Bentang-benta sa kanila ang labanan sa pulitika nina Derek at Iza pati na patutsadahan at plastikan tuwing magsasalubong sila.

Hindi naman siyempre nagpataob si Shaina kay Iza. Komo masasabing biggest break niya ito, todo-bigay rin siya sa mga eksenang nakakatawa lalo na sa bahaging unti-unti nang nahuhulog ang puso niya kay Derek.

Take note na malakas din ang screen presence nina Derek at Shaina. Hindi pilit ang eksena nilang romantiko at nagdadala ng kilig moments ang chemistry nila! Kumbaga, lumabas ang newest romantic-comedy tandem sa kanilang dalawa lalo na sa mga eksenang naglapat na ang kanilang mga labi!

No wonder, solved na solved si direk Quark Henares hindi lang sa tatlong bida kundi maging sa supporting cast na kinabibilangan nina Al Tantay, Nico Antonio, Ketchup Eusebio, Ricci Chan, Jun Sabayton at Tirso Cruz III in a special role.

Nagawa talaga ng buong cast ang nakakatutuwang pangyayari tuwing panahon ng eleksyon pati na ang mensaheng, “ Bayan Muna Bago Puso.”

Bahagi rin ng movie si director Dan Villegas bilang Creative Producer. Si Villegas ang gumawa ng award-winningat boxoffice films na “English Only, Please” at “#Walang Forever” at ang latest hit project niyang “Always Be My Baby.”

Fresh concept. Hilarious story telling. New screen combination! ‘Yan ang hatid ng “My Candidate” na magsasabog na ng tuwa’t ligaya sa Mayo 11, 2016!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *