Saan Ba Galing Ang Mga Boto ni Leni Robredo?

After about 6 hours of canvassing, na overtake ni Leni Robredo si Bongbong Marcos. Ngayon, madedeclare na siyang panalo sa Vice Presidential race kung patuloy ang trend ng pasok ng mga boto.

Yung unang quarter ng canvassing kasi, pumasok agad ang boto ng Solid North. Yung mga provinces at yung mga balwarte ni Leni, hindi agad pumasok. Di ko alam kung delayed SMS lang ang dahilan because of Smart and Globe. Baka nakatulog lang yung mga BEI dahil napagod sa magdamagang botohan.

Laban Leni

Laban Leni (kinupit ko ang photo sa Philippine Star)

Kaya eto tayo, yung mga BBM supporters, sumisigaw na nadaya daw sila. Yung mga Leni supporters, patuloy ang pagdarasal na parang lumalaban si Leni Robredo sa loob ng boxing ring sa Las Vegas.

Yung mga friends ko na ok na sa Duterte presidency, nakatuon pa rin sa VP race.

Saan nga ba galing ang mga boto ni Leni. Eto ang nakalap ko sa tsismisan sa tindahan ng pandesal kanina:

  • Sa akin, binoto ko si Duterte sa Presidente, at si Leni sa VP. One vote na yun.
  • Yung mga ayaw ke BBM, at wala naman din tiwala sa VP ni Duterte na si Alan Peter dahil may ere daw.
  • Yung mga nabiling boto ng mga LP sa local race, na hindi binoto si Mar.
  • Yung mga kababaihan, dahil nga, “May the best Woman win.”
  • Galing sa mga Spoken Word artist na nag perform last time sa Makati-collective sa event na “Hugot para kay Leni”.
  • Yung mga may tiwala sa namayapang si Jesse Robredo.
  • Yung mga na cute-an sa pangalan ni Leni. Middle name pala niya ang Daang Matuwid.
  • Mga taong hindi na gustong masaktan muli.

Ito ang main event ng eleksyon na ito; ang VP race. Sana lang hindi mag-tie at mauwi sa Toss Coin.

#LabanLeni

One response to “Saan Ba Galing Ang Mga Boto ni Leni Robredo?

  1. Tong Latina

    PAK! Sampal yan sa akin nang nawala pangalan ko nung Marcos-Cory. Nabura sa Voters’ List dahil di ko ipinalagay poster ni FM sa bahay namin, dahil pro-Cory Aquino ako.
    PAK! PAK! PAK! PAK! PAK!
    Balik sampal namin kay Marcos – Mula sa akin, sa wife ko & 3 kids.
    Sayang nga, di naka-biometrics manugang ko at 3 alagang aso….
    Mas masaya sana!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *