Ang Ibig Sabihin Ng HOLD THE DOOR Ay…

Nawawala na daw yung ugaling Maginoo na paghawak ng pinto para sa babae; yung pagbubuksan mo siya pag sasakay siya ng sasakyan mo, yung hahawakan mo yung pinto para una siyang makapasok sa grocery store, yung sasabihan mo ng “after you” o mag-gesture ka ng “tuloy po kayo” na parang crew sa Jollibee.

Ano ba ang ibig sabihin ng maginoong gesture na ito. Masyadong pa-macho ito. Kaya naman ng mga babae pagbuksan ang sarili nila. Kaya naman nilang ikutin ang door knob. Marunong naman silang humawak ng pinto. Hindi naman sila ganoon katanga para pumasok sa EXIT at lumabas sa ENTRANCE. Hindi na sila kailangan i-guide pa.

Pero kasi, yung extra gesture na yun ay patunay ng pagpapahalaga sa kasama. Kahit hindi sa panliligaw – kahit sa nanay mo, sa mga batang papasok sa eskwela, dun sa stranger na gusto mong marinig ang boses niya na bibigkas ng “Thank you.” – magagawa mo ito.

Yung extra effort at acknowledgement ang ipinaparating mo dito. Yung extra care na matatandaan ni senyora, yang simpleng bagay na yan ay tatatak sa kanya.

Ako, kaya ko ginagawa to sa sasakay kay Pilot, kasi nga, medyo topakin yung pinto nung sasakyan. Ayoko mahirapan yung shotgun.

Kung gusto mo ito matutunan, magkita tayo sa Pool Club sa June 11. Andun si Hodor to HOLD THE DOOR for you.

hodor

hodor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *