Daily Archives: 2016-05-28

Mina-MAGIC ba ng Meralco ang Pera mo?

Ang setup sa bahay namin, mag-aabot lang ako every sweldo ng napagkasunduang amount. Hindi ko na puproblemahin kung saan mapupunta ang pera na inabot ko. Nanay ko na bahala mag allocate nun sa iba’t ibang gastusin sa bahay.

Isa sa mga bayarin sa bahay e ang kuryente. Pangunahin yan. Pinakamalaki. Nakikita ko kasi ang bill namin sa kuryente na umaabot ng apat na libo kada buwan. Sunod dito ang internet, tubig, then araw-araw na pagkain. Kung may matitira, nanay ko na bahala mag budget nun sa kung ano tingin niya nararapat.

Kaya naman ang pagtitipid, nagsisimula din sa nanay ko. Para mas marami siyang ma-allocate na pera after lahat ng bayarin, siya na rin ang nagpapaalala sa amin na magtipid.

Ano na nga ba ang itsura ng Meralco bill namin ngayon. Tara, silipin natin. May balita sa baba:

 

image001

Continue reading