Thanking A Bunch Of People For My 30th Birthday

I just turned 30 years old. Hindi na ako young professional. Hindi na ako late 20s. Officially, kasapi na ako sa titos of Manila.

Kakatapos lang ng bday party dito sa bahay. Onti lang ang inimbita ko. Mainly, officemates lang na ka-close ko. Babawi na lang ako sa ibang friends.

At this point, hindi ko rin masasabi na handa na ako. I have accomplished a few things I guess. Yung mga importanteng bagay para sa akin, within reach na sila. I am well connected, have a stable job, with good friends, and a good stand in life.

Wala akong asawa, walang anak, walang girlfriend.
Meron akong assets, liabilities, and I am working on my equities.

I would say I am on the right track. At this point, wala akong gustong gawin kundi magpasalamat.

 

Given na, na gusto ko magpasalamat ke God, sa parents ko, sa mga kapatid, friends, mga kasambahay, kapitbahay, at kina chairman. Pero nais ko mag shout out dun sa hindi kilala ng karamihan.

Unahin ko na tong sipon ko. Salamat sayo, hindi ako makalabas ng bahay. Tipid tuloy ako ngayon kahit sweldo.

Dun sa kasama ko na nanood ng sine. Ulitin natin yun! Masaya yun! Next time, sagot mo naman ha.

Dun sa mga tindero sa Mini Stop na kahit hatinggabi na e gising pa rin. Thank you dahil nakakabili ako sa inyo ng Spicy Seafood cup noodles. Sarap.

Sa crush ko sa office. Nagbibigay ka ng inspiration para pumasok ako, pero sana, ngumiti ka naman minsan. Sayang yung smile mo pag hindi nakikita ng lahat.

Yung nagpautang sakin. Mababayaran din kita, promise. Paalala mo lang sakin na may utang ako sayo. Madalas kasi, sinasadya kong kalimutan.

Dun sa coach ko. Salamat sa pasensya. Gagalingan ko pa, promise. Magcha-champion din tayo.

Sa sponsors ng blog na to, maraming-maraming salamat. Birthday ko po ngayon, padalhan niyo naman ako ng something dito sa bahay. See you soon sa mga events ninyo.

Kung meron akong hihilingin sa ngayon, siguro, disiplina. Mapusok din kasi ako. Alam ko na ang gagawin, umiiba pa ako. Saktong guidance lang. Lord, pakidagdagan na lang yung guardian angel ko ng isa pa.

Lintik na sipon to.

pepi at 30

pepi at 30

One response to “Thanking A Bunch Of People For My 30th Birthday

  1. Happy Birthday Pepi! =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *