Oo Na, TRENTA na ko, So Ano Ngayon?

What now?

Matapos ang 30 years ng buhay ko, ang crazy roller coasters, ang unfinished businesses na hanggang dun na lang, at mga kaliwa’t kanan na accomplishments, ano na?

Siguro, tanong din yan ng maraming tao na natatapos ang birthday party. Matapos niya mag react ng LOVE dun sa 200+ FB greetings niya na hindi niya alam kung kelan matatapos, matapos niya maghugas ng pinagkainan sa birthday party niya na tumagal ng siyam na oras, matapos niya magbukas ng isang regalo na nakuha niya sa least expected person na magbibigay, at matapos rin ang pagsettle niya ng bills sa lahat ng suppliers nun party niya, ano na nga ba ang dapat mangyari?

Ano nga ba?

Ako, grabe lang. Binigyan ako ng sakit ni Lord para huminto sandali. Masama ang pakiramdam ko dahil sa sipon na hirap na hirap akong labanan. Bawat kilos ko, buntong hininga. Parang gripo ang ilong ko sa paglabas ng sipon na para bang nagwalk out mula sa isang eksena ng sampalan sa nasal passageway ko. Nararamdaman ko na andyan na si ubo. Feeling ko, mabigat ang ulo ko. Hindi kinakaya ng INGAT ni John Lloyd at ayoko pa mag paka-magician sa Bio Flu.

Hinto. 
Stop.
In the name of love.

Kailangan daw huminto muna, pagplanuhan ang susunod na gagawin, bago rumatsada ulit. Kung may natutunan ako sa tatay ko sa pagmamaneho, ito yun; bago mo simulan ang makina ng sasakyan, dapat alam mo na ang kalsadang tatahakin mo at ang saktong destinasyon mo. Mahirap tumingin sa mapa habang nagmamaneho sa kalsada. Makakabangga ka ng pusa at lalabas ang intestines niya. Mahihirapan maglinis ang Metro Aide. Kawawang Metro Aide.

with Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana. Salamat sa pag-attend ng birthday ko.

with Thyro Alfaro and Yumi Lacsamana. Salamat sa pag-attend ng birthday ko. Congratulation sa bagong Jingle ng Jollibee for Indpendence Day Celebration. #PinoyAndProud

With Ripple 8 and co-bloggers sa Jollibee #PinoyAndProud launch

With Ripple 8 and co-bloggers sa Jollibee #PinoyAndProud launch

Sinimulan ko na isipin ang pagpa-plano ng sunod na gagawin. Pero dahil tinamad ako after 3 minutes, inisip ko na lang ang significance ng number 30 sa buhay ko ngayon. Mas masaya ata i-share sa blog yun.

  • 30. Yan ang dami ng minuto sa kalahating oras. Kung tingin mo may na-accomplish ka na, abangan mo pag nabuo mo ang isang oras. I am sure mas magugulat ka sa kaya mong gawin.
  • 30. Parang Du30. Nagpalit na ng pangulo. Magiging mas maayos na ang paligid. Umayos ka na rin para sa tunay na pagbabago. TaMa si Duterte. Change is coming.
  • 30. Yan yung pabo. Ay mali, Turkey pala yun.
  • 30. Presyo ata to ng kalahating kaha ng yosi. O baka samin lang, yung iba kasi, 35 or 38 pesos ang presyo. Titigilan ko na nga magyosi, masama sa kalusugan.

Ayan, may nasimulan na ako, or so I think.

Pasensya na nga pala dun sa mga ganap na hindi ko mapupuntahan within this week. Bukod sa hindi kaya ng katawan ko, medyo kailangan ako sa trabaho. Dun ko muna ibubuhos ang natitira kong chakra.

At sa mga bagong followers, welcome po sa blog ko. Wag mahiya mag-comment kahit Pakyu lang.

 

One response to “Oo Na, TRENTA na ko, So Ano Ngayon?

  1. yung tipong bigla ako nainggit kasi nasanay ako mag ingles sa blog ko tapos makikita ko na tagalog ka magsulat…Baka need mo lang ng donasyon ng chakra para matapos mo lahat ng dapat tapusin hahaha! #HapiPepiDay2016 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *