Notes About Driver’s License Renewal – June 2016

Weekend driver here. Hindi ako araw-araw nagmamaneho, pero kahit ganoon, ang lisensya ko ay kapareho lang nung officemate ko na gamit ang Wigo niya sa pagpasok araw-araw. He is coming from QC at ang office namin ay sa Makati.

Imagine the traffic.

Pero iba ang kwento ng pagrenew ng Driver’s License sa LTO. Mabilis lang ito. Ok na sana, kaso…

  • Kailangan mo magpa-medical exam. 200 pesos din yun.
  • Page expired na lisensya mo, may penalty na 75 pesos. Yung resibo ng LTO, aabot ng 500 pesos. Wala ka na pang-kain. Eat ka muna bago ka pumunta sa LTO.
  • Kailangan, marunong ka pumirma sa signpad nila. Practice ka muna.
  • Kailangan, maayos damit mo. May picture taking. Pagupit muna sir.
  • Walang card ngayon. Indefinite pa kung kelan magkakaron. Wag kang umasa na may bago kang Valid ID dahil resibo lang makukuha mo.
  • Sisingilin ka ng 20 pesos sa window 8. Pwede ka mag-decline. Strategy lang yun nung ate dun na nagbebenta ng LTO driver’s jacket.
  • Binili ko na rin, ngumiti naman siya e.
  • Masaya tumambay sa labas. May mga motorist assistance personnel para sa mga magpaparenew ng sasakyan. May nabubuong pustahan dun sa NBA Finals. Di ako pumusta kahit sure ako na mananalo ang Cavs.
  • Pag nahulog ang singkwenta pesos mo sa imburnal, kailangan mo ng mahabang lightbulb at superglue para makuha ito. Creative di ba?

Sa mga ganitong maliliit na escapades, nagsisisi ako at hindi ako nagpapaka-vlogger. Andami kayang short happenings na masaya i-share sa Youtube.

Sayang.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *