Basic Phone to the Rescue

2 days ago, may katangahan na ginawa ang S4 ko. Tumalon siya mula sa center table namin sa salas papuntang sahig. Feeling niya ata bunjee jump yun. Nakalimutan pa niyang magtali ng lubid sa paa.

Ayun, crack ang screen.

Hassle tuloy. Tatlong araw kong pinag-isipan kung ipapaayos ko siya, papalitan, o hindi na ako magsi-celphone buong buhay ko. Tutal, wala naman nagti-txt sa akin kundi (1) Globe update, (2) update ni Maine Mendoza sa Twitter dahil naka-subscribe ako, (3) Scammer na kunwari ay nagpasa sayo ng load, reply YES daw sa next message, at (4) Nag-aalok ng condo sa BGC. Wala po akong plano kumuha ng bahay sa BGC. Saka na pag nanalo na ako sa Lotto.

Starmobile UNO

Starmobile UNO

Matapos ang pagmumuni-muni, naisipan kong ipaayos na lang sa Cherry Mobile service center si Florenda (yan ang name ng Cherry Flare S4 ko, ngayon ko lang binigyan ng pangalan). Aabutin siya ang isang buwan dun. Safe na yun dahil pag sa Greenhills ko pa pinaayos, maha-hack pa nila yung mga laman nung phone at baka maging viral pa yung video ko na nagpapaikot ng lightsaber sa Mariang Banga sa UPLB.

For my temporary phone, naghanap ako ng mura pero functional. Nakita ko yung Starmobile UNO. P599 pesos lang siya. Unang requirement ko sa celphone ay ang FM radio. Bonus na lang yung flashlight at camera.

Dual Sim tong si UNO. Yung SIM slot niya, kasya kahit micro o nano na ang SIM mo. Syempre, kasya pa rin ang regular size na SIM card. Problema ko pa kanina yung SIM card, buti na lang yung kuya sa Kiosk sa gitna ng SM Hypermarket-JRU ang nagkabit ng SIM. Wala na tuloy akong problema.

May bluetooth capability rin siya. Nakakatuwa at naiko-connect ko pa rin dun sa relo ko. Pwede  din sa bluetooth headset ko. Sa sobrang gaan niya, hindi mo aakalain na 15 years ago, yung celphone na ganito ay may halagang SIX Thousand pesos. (3310 po ang tinutukoy ko).

Nasasaksakan din ng Memory Card. Nailipat ko na yung pictures ko. Yung magkasama kami ni Janine sa isang Chinese restaurant sa Timog, naisalba ko pa. Kung gusto mo stalk yung picture, nasa Instagram ko yun, a week before Valentines 2016.

Kaya naman pag nakita ninyo ako na naka-Basic phone, wag kayong mahiya na hiramin. Ipapahiram ko sa inyo. Paki-key in na rin yung number ninyo sa contacts dahil ang naka-save lang dito e number ng nanay ko at yung Globe customer care.

Kung trip mo naman kunin ang number ko, save mo to – 0917KAMPEON.

Ano ba number mo?
Itataya ko lang sa Lotto.
Feeling ko kasi, napakaswerte ko –
dahil nakita kita.

*Tinignan ko sa Lazada.
P499 pesos lang ang Starmobile UNO B207.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *