Day 4 sa Harvard

Ito ay kwento ng pinsan ko na nagdo-Doctorate ngayon sa Harvard. Repost ko lang para sa mga clueless tungkol  sa buhay ng mga tao sa distinguished school na ito.

Day 4 sa Harvard. Intense. Bawal ang tanga sa klase. Bawal ang hindi handa. Hindi sapat na binasa mo lang. Dapat may quotable quote ka. Dapat maiilink mo sa iba pang mga readings. Dapat may critique ka. Pag sinabing Bourdieu, dapat kilala mo. Pag sinabing Hegel, dapat kilala mo. Pag sinabing Derrida, dapat kilala mo. At makakapag-quote ka. Yung tipong verbatim. Sa original language.

Yung mga guro, grabe. Walang gray areas. Yung tipong “Ganito ang sinabi ni Professor so-and-so. Mali siya. Basahin ninyo ang kritisismo ko sa sinulat niya.”

Sa bawat dalawang oras na klase, mga limang oras kang maghahanda. At ang mga guro, walang pasabi. Bigla na lang magpa-Frances. Bigla na lang mag-a-Aleman. Bigla na lang mangangastila. Pasensya ka kung hindi mo maintindihan. Bahala kang mag-research. Nag-discuss kanina ng teyorya. In French. Tapos halfway through, biglang banat, “Hindi ko na i-Inglesin, naintindihan ninyo naman na.” Buti na lang, nakapagkape ako at medyo malinaw at nakaupo ako sa harapan. Otherwise, sabaw.

Kaya kapag umuuwi ako, diretso sa kama kaagad para umidlip sandali. Kahapon, 6:00 PM na ako umuwi. Umidlip “sandali.” Pagkagising ko, 3:00 AM na, hindi ko pa nababasa yung assignment.

At Day 4 pa lang. LOL.

#FightLang #ParaSaEkonomiyaNgBansa

Harvard Library

Harvard Libary

*hinatak mula  sa FB status ng pinsan kong si MJ Sales. –

2 responses to “Day 4 sa Harvard

  1. ang deep pre. dyusko, at akala ko na matindi na sa Mapua or UP hahahaha

    • oo nga e. UP-masscom tong pinsan ko, tapos, ganyan pa yung pagkakaculture shock niya sa harvard. grabe. deadly pala dun.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *