Ok Lang Na Bakla

This is in response to Ian King, now Angelina Mead King’s coming out. She is a transwoman.

Congrats at nakapagdecide ka na!

Last week, naimbitahan ako na umupo sa SOGIE 101. Dahil libre ang pagkain, pumunta ako not knowing kung para saan yun. Basta libre ang pagkain at may matututunan, go lang ako.

Pagkaupo ko doon at nung magsimula na ang speaker, dun ko nalaman na tungkol pala sa LGBT yun. Sexual Orientation, Gender Identity and Expression pala ang ibig sabihin ng SOGIE. Akala ko, wrong spelling lang ng pangalan ni Ogie da Pogi.

Isa yun sa mga programa ng opisina namin para sa June, which was known as Pride month. Yun ang buwan kung saan dini-discus at sini-celebrate ang equality regardless of gender.

May natutunan naman ako dun sa talk. Pwede natin pag-usapan pag nagkita tayo.

Yun din siguro ang nag-udyok ke Porsche-loving, GM of Victoria Court, na si Ian King. Nag-announce siya kagabi na Trans-woman siya. Follow mo siya sa IG kung gusto mo ng update sa kanya.

At full support naman ang asawa niya, at supermodel na si Joey Mead-King. Para sa kanya, OK LANG NA BADING, basta mahal mo, support pa rin.

Angelina Mead - King

Angelina Mead – King

Maraming tanong tungkol dito, kagaya na lang ng kung sino ang magmamana ng emperyo ng Victoria Court, kung hindi magkakaanak sina Joey Mead at Angelina King.

Magpapa-ampon ako kung sakaling maging option nila ako.

Isa-isahin natin ang mga  #okaylangnabakla na naisip ko dahil dito. Kung may maidadagdag ka, comment ka lang.

  • #OKAYLangNaBakla , basta may porsche
  • #OKAYLangNaBakla , basta talented
  • #OKAYLangNaBakla , basta marangal
  • #OKAYLangNaBakla , kesa manood ng conjuring

Pak! Go na!

#innerbeki

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *