8 Things To Watch Out for – ALDUB Movie – Imagine You And Me

#IYAM

Ugali kong gumawa ng list na uunahin ang title at mapapasubo na lang sa content. Ganun talaga  pag susubukan mo magsulat tungkoil sa much awaited movie ng sinusundan mo na love team kahit hindi ka naimbitahan sa blogcon kahapon. O well, basta ako, manonood ako on its frist few days.

Kaso wala pa akong kasama.

Habang nag-aantay ng reply ng possible date, tirahin ko na tong list na to. Bago pa matira ng iba.

Here are my 8 things to watchout for in ALDUB’s first movie Imagine You and Me:

NUMBER 1: Kanta. Alam na natin na song title din ang Imagine You and Me. Ang hindi natin alam, kelan ito unang bibigkasan ng lyrics sa movie. Pwede natin pagpustahan to. Ang pusta ko, nasa 33rd minute of the movie. Kayo, ano pusta ninnyo?

NUMBER 2: Cameo ni Lola Nidora. Sama na natin sina Tinidora at Tidora. My guess is, andun sila sa movie in one way or another. Mapapangiti ako pag makikita ko sila dun. A slight appearance that would remind me na galing sila sa Kalyeserye would be enough to remind me kung san ko sila maaabangan sa araw-araw.

NUMBER 3: Endorsements. Unahin na natin ang McDo. Sure ako may kahit isasng scene sa fastfood na yun. Aabangan din natin ang Tender Juicy, Avon, 555 sardines at marami pang iba.

NUMBER 4: Pabebe Wave. Makikita kaya natin ito sa big screen? Ang cute siguro nun. Sasabayan ko ng Pabebe Wave yun pag nakita ko.

Teka lang ha, nauubusan ako. Play mo mune yung Full Trailer bago natin tapusin ang listahan.

 

NUMBER 5: Hugot lines. Tignan nga natin kung ano ang mga pwedeng linya na magiging trending after the premiere night bukas. I am sure maglilipana ang memes after.

NUMBER 6: Hashtag. This movie is ALDUB’s way to celebrate their first pairing on split screen. Simula nun, tumatabo ng at least 1M tweets EVERYDAY ang hashtags ng Aldubnation. Ano kayang Hashtag ang gagamitin nila on the first day. Sana wag yung boring kagaya ng #IYAMfirstDay or #IYAMomgEtoNa.

NUMBER 7: Kissing Scene. Yung holding hands nga nila sa latest McDo commercial, kinilig na ako e. Pati yung behind the cardboard kiss sa Star Buzz segment sa Sunday Pinasaya, nakakakilig din. Pano pa kaya pag nag-kiss na sila on cam. I am sure, marami ang nag-aabang.

NUMBER 8: Italian Words. Felicce, Brava, Belo. Yan pa lang ang mga alam ko. Sana mas marami pa akong marinig na Italian phrases sa movie.

***

Congratulations kina Maine Medoza at Alden Richards, pati na rin sa lahat ng bumubuo ng pelikula. Alam ko, ready na kayo sa kasunod na project.

July 13 na po ang movie. Inaabangan na po yan ng tita ko na taga Meycauayan, Bulacan. Sa kanila na lang kaya ako sumama manood.

#AldubYou.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *