Chinatown Walk

I was out looking for long sleeves and bowties. Ikakasal na kasi si KnP#7 aka Skullpion this Saturday at gusto ng bride niya na nakabowtie daw.

By default, puti ang long sleeves na binili ko. Yung ganun ko kasi na small size, hindi na kasya sakin. Nakakainis dahil hindi ko akalain na may potential pala ako tumaba.

So I took one ride of jeep to Divisoria. 168 mall ang punterya ko. 80 pesos ang bawat bowtie, bumili ako ng lima. Para sa KnP yun. Yung long sleeves naman na plain lang, 480 pesos. Natawaran ko hanggang 450. Kailangan pa talagang mag-Divisoria para lang makahingi ng tawad.

Dahil tapos na ang errands ko, naghanap na ako ng lure spot. Meron dun saisang church na malapit kaya tumambay ako doon for a good 20 minutes. Nun natapos na, may nagbaba naman dun sa Chinatown Walk. Bagong lugar yun. Feeling ko nasa ATC ako na parang Beijing dahil puro Chinese characters. Nakarami ako ng majikarp at Psyduck. May Slowpoke din.

Puro psychic pokemon ang andun. Mga psychic siguro ang mga Chinese sa Binondo. Siguro dahil sa kanilang Chinese zodiac. Magpahula kaya ako dun kung kelan ako magkaka-love life ulit.

Enjoy the pictures.

Akala mo China? Chinatown Walk yan!

Akala mo China? Chinatown Walk yan!

Welcome!

Welcome!

unggoy ang bantay ng prosperity tree

unggoy ang bantay ng prosperity tree

the aisle is lined up with your dimsum specials

the aisle is lined up with your dimsum specials

everyday fiesta

everyday fiesta

Chinese Restaurants

Chinese Restaurants

Bike Racks here

Bike Racks here

 

PS. Nagyaya si ate Noni. Join daw siya next time na pumunta ako dun. Lunch siguro sa isa sa mga restaurant. #SetNaYan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *