Monthly Archives: September 2016

Handa Ba Ang Pusong Pilipino Sa Pagkawala ni Miriam Defensor Santiago?

Nakakatakot pag nawala na yung taong tinitingala mo. Wala nang gagabay sayo, wala nang magtatanggol. Wala na yung kakampi sayo kung nasa tama ka, at makikipag-away sayo kapag mali ka. Wala na yung bubuhusan ka ng katakut-takot na salita na hindi mo maiintindihan sa ngayon.

Siguro, this time, mas maiintindihan mo na yung mga sinasabi niya.

Excited naman ako sa mga susunod na mangyayari. Sa pagkawala ng isang dambuhalang imahe sa political scene sa Pilipinas, magbubukas ito ng pinto para sa mga gustong umangat. May vacuum na sa senado. May vacant seat na sa usapang politics. May place na para maglabas ng libro dahil wala nang sequel ang Stupid is Forever.

Ang tanong – HANDA BA TAYO?

Feeling ko, parang inevitable break up. Kulang ang 3-month rule para makahanap tayo ng kapalit.

Salamat po MDS.

Sen Miriam Defensor Santiago

Sen Miriam Defensor Santiago

Mama.

Mother of Dragons.

Iron Lady of Asia.

The President we never had.

RIP Miriam Defensor Santiago.

Namimiss Ko Na Maglaro Nito! You Have To CLICK Here To Know The Game!!!

Laro sa kalsada, may linya na parallel, at kung minsan, may linya na humahati sa gitna; ang bawat linya ay may nakabantay na guwardiya na hindi pwedeng umalis sa pagkakaapak sa guhit, ang mga kalaban naman ay pipiliting makatawid papunta sa kabila at makabalik.

Kung pamilyar sayo, congrats, pre! Either batang 90’s ka, o maswerte ka at nabasa mo ito sa libro. Pwede rin naman na naging laro ninyo ito sa P.E., o di kaya naman ay na-confiscate ng mama mo ang cellphone mo dahil nangungupit ka sa wallet niya ng pambili ng Mang Juan.

Ang tinutukoy ko e ang laro na Patintero (aka Patubigan). Naaalala ko pa na nilalaro namin ito nila Macmac at nila Mark Oyelle sa kalsada sa San Lorenzo Village. Yung kalsada namin sa Zone 7-8, parang kalsada ng karamihan sa mga subdivision, may linya na yung sahig at hindi mo na kailangan guhitan gamit ang tigpipisong Chalk or ng basag na paso.

Patintero, ang alamat ni Meng Patalo

Patintero, ang alamat ni Meng Patalo

Hindi pa uso yung patotot nun. Patotot yung tawag dun sa bantay sa gitna. Hindi rin kami naglalaro ng may “in”, o yung bawal kang mataya pag naunahan mong makatapak sa linya.

Para manalo sa Patintero, dapat matutunan mo ang skills na ito:

  • Pag-ilag. kailangan, parang boksingero ang reflexes mo. pag inabot ng taya ang braso mo, sabayan mo yung galaw niya ng pag-atras mo.
  • Agility. Kapag na-off balance ang taya, wag ka nang magdalawang isip. Tawid ka na kagad. Take the chance. Minsan lang yan.
  • Timing. Mas nakakalito para sa taya pag sabay kayong tumawid ng kakampi mo sa magkabilang dulo ng linya. Dapat may synchronization.
  • Pakiramdaman. Wala kayong gadgets, or earphones, pero dapat, mababasa mo ang galaw ng kakampi mo. Pati na rin ang galaw ng patotot.

Mas matututunan pa natin ang larong Patintero sa OCTOBER 5.

 

Become A Blogger-Entrepreneur

I attended “Be Your Own Boss: An Entrepreneurship 101 Workshop” event where Pinnacle Sources and Fitz Villafuerte took the stage and talked about business and the blogging world.

Held at Warehouse Eight, along Chino Roces Ave, the event was cozy enough to nurture creativity and idealism. An occasional hugot is inevitable, but hey, millenials, right?

 

Warehouse Eight

Warehouse Eight

Trabaho Muna bago Landi

Trabaho Muna bago Landi

Malapit na sa Mantrade yung lugar, halos walking distance na lang. Tanghali nangyari yung event. Para sa night person na kagaya ko, downtime ko yun. Pero buti na lang at ginawan ko ng paraan ang pagpunta ko dahil marami naman akong natutunan.

 

waiting comfortably. handa akong mag-antay.

waiting comfortably. handa akong mag-antay.

Let me share some to you.

You Should REGISTER Your Business.

C’mon guys, let us make ourselves legit. Matagal na tayong nagsusulat sa blog natin. Marami na tayong kinita halos. From freebies, staycations, lootbags, and paminsan-minsan na gadgets. Walking billboard na nga tayo dahil ultimo deodorant natin, pino-promote natin. Shoutpout nga pala sa Nivea Men.

SINGLE

SINGLE

Pay your Taxes right. Opening new ones might be difficult kapag may arrears ka at hindi mo na-file ng tama ang income taxes mo. Alam natin na mahirap makipag-deal sa government offices. Maiinis ka lang. Baka nga sa galit mo, mai-blog mo pa ang BIR.

Closure

Closure

There are other avenues of revenue sa blogging world. Like Fitz, you can become a writer, an investor, an advertiser, or even a seller. Magiging magulo ang mundo kapag nagsimula ka nang kumita sa blogging.

Dito papasok ang Pinnacle Sources. They can handle registration, accounting, and even business permits and office maintenance. I can outsource your business essentials, and just focus on your main job – blogging.

Christine Li

Christine Li

Fitz Villafuerte

Fitz Villafuerte

 

Thanks ComCo for the invite. See you around.

Kylie Versoza Answers The Question: What SCARES You More; Losing A Boyfriend, or Losing The Pageant.

In last weekend’s Tonight With Boy Abunda, where Pinay beauty queens were asked questions by Tito Boy Abunda, Kylie Versoza, Binibining Pilipinas-International 2016, answers the question, What Scares you more; Losing a Boyfriend, or Losing the Pageant.

Her answer gave justice to LOVE, and how it is different from the Pageant.

See her answer here: