Seeing Familiar Faces at KnP Skullpion’s Wedding

Kinasal si KnP Skullpion 2 weeks ago. Was that 2 weeks already? Nakabuo na kaya sila?

Si KnP Skullpion ang ikapito sa mga Kampeon Ng Pag-ibig. Boy Pogi ang tawag namin sa kanya. Mahilig siya sa Westlife. Kung may papantay sa kakornihan at kabaduyan ko, si KnP Skullpion yun.

Ang napangasawa ni KnP Skullpion, isa ring nurse. Nakasabay niya lang sa pila habang bumibili ng trabaho. Nakakwentuhan, nakayayaan magsimba, magjogging, mamulot ng balat ng kendi, magpalipad ng lobo na may helium, at ngumiti sa jokes na korni. Nagkaron pa sila ng terms of endearment na Chucks at Chums.

Di ko gets bakit Chucks at Chums. Naiimagine ko ay sapatos at copycat ng Stick-O pag naririnig ko yung Chucks at Chums.

si Pepi ba ang wedding date mo?

si Pepi ba ang wedding date mo? *photo by Phame Joy Parra

Yung kasalan, ginawa sa Caleruega, Nasugbu.
Yung reception, sa Chateau Royale.
Yung wedding planners, hosts, and suppliers, mga kakilala ko pala.
Yung wedding singer, friend ng kasama ko sa Gift In Kind Foundation.
Yung host at ushers, kasama ko sa blogging community.
Yung bestfriend ng bride, isa sa mga tie ups ng Kampeon Ng Pagibig blog.

It is indeed a small world. Hindi mo aakalain na sa mga kasalan na ganun pa kayo magkikita-kita. In one way or another, magtatagpo at magtatagpo din talaga ang puso ni KnP Skullpion at ng bride niyang si Geh.

Team KnP wishing Noel and Giselle a happy Married Life

Team KnP wishing Noel and Giselle a happy Married Life *photo by KnP Loveless

Hindi mapipigilan ng walong taon na walang communication ang destiny. Pag inilaan sa iyo ng panginoon, para sa iyo talaga yan. Walang makakapigil.

We wish KnP Skullpion and Geh all the best in their married life. Susuporta kami sa lahat ng desisyon na gagawin ninyong mag-asawa.

PS. pwede ba maglagay ng kabayo sa farm ninyo? Gusto ko mag-feeling Haciendero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *