Daily Archives: 2016-09-23

Hindi Ka Pa Ba Sawa Sa Pagsisinungaling Niya?

Alam mo nang sinungaling eh. Alam mo nang walang credibility ang mga sinasabi niya. Alam mo na nga na ilan beses niyang ni-rehearse ang mga linya niya para lang maniwala ka, pero anong ginagawa mo… nagpapaka-tanga ka pa rin?

Break-an mo na yan.

Gayahin mo yung friend ko. Alam niya na babaera yung jowa niya. At first intance na nahuli niya na nakikipag-“i miss you”-han sa iba gamit ang facebook chat, kinompronta agad niya si koya. Ending, break na sila.

Tapos, after 2 days, nag-promise si koya na magpapakatino na raw siya. Naniniwala si ate-gurl. Ayun, balikan. Pero alam mong may lamat na ang relasyon.

One week lang ang inantay, break na naman. Nahuli dahil sa stain ng lipstick.

Hindi lumusot ang palusot na nasagi lang ng katabi sa jeep kaya nagkaron ng stain ng lipstick. Pano ba naman, ang stain ng lipstick at hindi sa damit nahuli… sa ngipin.

O, pano naman magkakastain ng lipstick sa ngipin kung nasagi lang sa jeep. Isa pa, naka-kotse si koya. Hindi siya sumasakay ng jeep.

Ayun na nga. Break na nga sila. I am happy dahil tapos na ang kwento nila. Pwede ko na pormahan si ate-girl. Busy lang ako.

Ikaw ba? Ang senado ba? Hanggang kelan kaya tayo makikinig sa taong alam natin na sinungaling? Di ba pwedeng break na yan, o gusto niya pang ma-break the neck…

matobato packing tape

matobato packing tape

Pwede ka naman makinig sa kasinungalingan niya e,

hindi na para maniwala sa kanya…

Para na lang alam mo
kung ano ang gagawin sa susunod

(in aide of legislation).

%%%

P.S. Iniimbitahan ko nga pala si ategirl na pumunta sa Tahan:

Lapis. Artcom:22.
BF, Las Piñas
Oct 1, 2016. 4pm
Mystic Brew.

tahanlapis