Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Sobrang sakit ng ulo ko ngayon dahil sayo. Sinubukan ko pa kasi ulit e. Sabi ng tropa ko, kaya ko pa daw. Eto naman ako, dahil nami-miss ko rin yung feeling, go ako. Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Nung una, masaya eh. Unang pagdampi ng mga kamay ko sayo, malamig. Inilapit agad kita sa mga labi ko. Parang walang bukas na ninamnam ko ang sarap mo. Matapos ang ilang ulit natin na pagpapalitan ng basa, at malamig na cerveza, tinamaan din ako. Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Ngayon, para akong nilalagnat. Masama sa pakiramdam ang hangover. It comes with age. Dati, kaya kong bumangon the next day eh. Ngayon, parang hinto ang buong araw ko. Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Mahirap ang hangover dre. Akala ko, kaya ko pa… HINDI NA PALA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *