Baka Naman Crush Mo Talaga Siya

Parinigan kayo ng parinigan. Irapan kayo ng irapan. Minsan, sa recitation pa kayo nagsasagutan kesyo yung isa, sa pula … ikaw naman, sa puti.

Para kayong aso’t pusa kung mag-away. Bangayan ng bangayan. Asaran, walang humpay. Minsan nga, inii-stalk niyo pa ang isa’t isa para bukas, mapaparinig mo sa kanya na, “dapat yung may boyfriend ang nagi-invite sa speed dating.”

Mapapansin ito ng mga kaklase ninyo. Mapapansin ng pinakamatalino sa classroom ninyo na nage-excel na kayo sa klase dahil nagpapagalingan kayo. Mapapansin ng pinakabobo sa inyo ang inyong generosity dahil mas gugustuhin ninyo ang mas maraming kakampi. Mapapansin ito ng teacher ninyo sa History dahil salitan ang pagtaas ninyo ng kamay. Pansin ito kahit ng janitor, dahil makikita niya sa basurahan na tinapon mo ang pinunit na papel na may pangalan niya.

After 3 months na ganito, mapapansin ninyo sa sarili ninyo na mas exciting ang buhay eskwela dahil may rason ka para pumasok. Mas enjoy ang bawat exam dahil may purpose ka para sa mataas na grades. Mas kapana-panabik ang mga school projects dahil gusto mo maging bida, at gusto mo magpasikat.

Dahil ayaw mo  na malalamangan ka niya.

Eventually, mapapansin ninyo ang isa’t isa in a different light. Baka nga naman magkagusto na kayo sa isa’t isa niyan.

Kunwari pa siya na naduduwal pag nakikita ang picture niya. If I know, crush mo talaga siya.

Oo, crush mo siya. Ayaw mo lang aminin.

duterete delima

duterete delima

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *