Namimiss Ko Na Maglaro Nito! You Have To CLICK Here To Know The Game!!!

Laro sa kalsada, may linya na parallel, at kung minsan, may linya na humahati sa gitna; ang bawat linya ay may nakabantay na guwardiya na hindi pwedeng umalis sa pagkakaapak sa guhit, ang mga kalaban naman ay pipiliting makatawid papunta sa kabila at makabalik.

Kung pamilyar sayo, congrats, pre! Either batang 90’s ka, o maswerte ka at nabasa mo ito sa libro. Pwede rin naman na naging laro ninyo ito sa P.E., o di kaya naman ay na-confiscate ng mama mo ang cellphone mo dahil nangungupit ka sa wallet niya ng pambili ng Mang Juan.

Ang tinutukoy ko e ang laro na Patintero (aka Patubigan). Naaalala ko pa na nilalaro namin ito nila Macmac at nila Mark Oyelle sa kalsada sa San Lorenzo Village. Yung kalsada namin sa Zone 7-8, parang kalsada ng karamihan sa mga subdivision, may linya na yung sahig at hindi mo na kailangan guhitan gamit ang tigpipisong Chalk or ng basag na paso.

Patintero, ang alamat ni Meng Patalo

Patintero, ang alamat ni Meng Patalo

Hindi pa uso yung patotot nun. Patotot yung tawag dun sa bantay sa gitna. Hindi rin kami naglalaro ng may “in”, o yung bawal kang mataya pag naunahan mong makatapak sa linya.

Para manalo sa Patintero, dapat matutunan mo ang skills na ito:

  • Pag-ilag. kailangan, parang boksingero ang reflexes mo. pag inabot ng taya ang braso mo, sabayan mo yung galaw niya ng pag-atras mo.
  • Agility. Kapag na-off balance ang taya, wag ka nang magdalawang isip. Tawid ka na kagad. Take the chance. Minsan lang yan.
  • Timing. Mas nakakalito para sa taya pag sabay kayong tumawid ng kakampi mo sa magkabilang dulo ng linya. Dapat may synchronization.
  • Pakiramdaman. Wala kayong gadgets, or earphones, pero dapat, mababasa mo ang galaw ng kakampi mo. Pati na rin ang galaw ng patotot.

Mas matututunan pa natin ang larong Patintero sa OCTOBER 5.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *