Handa Ba Ang Pusong Pilipino Sa Pagkawala ni Miriam Defensor Santiago?

Nakakatakot pag nawala na yung taong tinitingala mo. Wala nang gagabay sayo, wala nang magtatanggol. Wala na yung kakampi sayo kung nasa tama ka, at makikipag-away sayo kapag mali ka. Wala na yung bubuhusan ka ng katakut-takot na salita na hindi mo maiintindihan sa ngayon.

Siguro, this time, mas maiintindihan mo na yung mga sinasabi niya.

Excited naman ako sa mga susunod na mangyayari. Sa pagkawala ng isang dambuhalang imahe sa political scene sa Pilipinas, magbubukas ito ng pinto para sa mga gustong umangat. May vacuum na sa senado. May vacant seat na sa usapang politics. May place na para maglabas ng libro dahil wala nang sequel ang Stupid is Forever.

Ang tanong – HANDA BA TAYO?

Feeling ko, parang inevitable break up. Kulang ang 3-month rule para makahanap tayo ng kapalit.

Salamat po MDS.

Sen Miriam Defensor Santiago

Sen Miriam Defensor Santiago

Mama.

Mother of Dragons.

Iron Lady of Asia.

The President we never had.

RIP Miriam Defensor Santiago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *