Yung Tropa Niyo Na Parang Cherry Mobile S5 Series – Strengths, Weaknesses, at sino ang PATALO

Sa tropa-han, may kanya-kanya tayong strengths and weaknesses. Ambaduy ng tropa ninyo kung lahat kayo magaganda pero walang utak. Weak din ang tropa na puro talent lang, wala namang angas. At sa lahat ng tropa, meron talagang PATALO.

Kahapon, nilabas ng Cherry Mobile brand ang kanilang line up para sa Flare S5 series. Gaya ng iba’t ibang tropahan, may mga strengths yung iba. Syempre, may mga weakness din.

At dito ko sasabihin sa blog na to, kung ano yung patalo sa mga yun.

Una muna, sabihin ko lang; ang Flare S5 ang series na puro Marshmallow ang OS. Tignan natin kung gaano kalambot tong mga to. Ihawin ko kaya tong mga to sa bonfire.

Flare S5 series

Flare S5 series (hinarbat ang pic sa hungrygeeks.ph dahil hindi ako ininvite ng Cherry Mobile sa launch nila)

The Brusko
– Flare S5 Power – Php7,999

Siya yung puro angas. Malaki nga, wala namang laman ang utak. 16GB lang siya. 

Siya ang pang-front ninyo pag may rambol. Kinatatakutan siya ng mga bata. Kung angas at angas lang, siya ang panlaban ko.

Pwede pa nga ata niya saluhin ang mga tropa niya. Ubos na energy nilang lahat, siya nasa kalahati pa lang ang nagagamit. Ang strength niya, yung kanyang 6050mAh Battery.

Wag kang magkakamali na banggain siya.

 

The Joker.
– Flare X 2 – Php7,999

Sus, Pre! Ambilis ng utak neto. Siya ang may 4GB RAM at Adreno GPU. Kung palupitan sa graphics at mga laro, siya ang pinakamagaling sa inyo.

DOTA, League of Legends, Clash Royale – lahat yan full experience pag naka Adreno ka. Kung Smartphone ang pinag-uusapan, siguro paglabas na lang ng FAFI17.

Malupitan din ito sa pang-araw-araw. Protektado sa bends at curves ang kanyang body dahil sa Dragontrail Glass shields. Second BEST na ito ng tropa ninyo.

 

The Beauty
Flare Infinity – Php12,999

Alam mo yung ganda na mapapa-WOW ka, eto yun. Pang Beauty contest ang datingan.

Borderless siya, that means walang limits. Yung PDAF feature niya sa camera, that means kahit sulyap lang, huli mo na ang lupit ng pictures niya. Hindi mo siya mahuhulihan ng palpak na angles. Never siyang magsasabi na, “antaba ko dyan” or “panget ako dyan” kapag may panget na picture na nakuha sa kanya.

 

Cherry Mobile Flare S5 series

Cherry Mobile Flare S5 series. (pic from HungryGeeks.ph)

The Weirdo.
USB Type C + Quick Charge – Flare S5 Plus – Php8,999

Yung mabilis maka-gets ng mga joke dahil sa USB Type C niya, eto yun. May mga jokes na siya lang ang nakaka-gets. Minsan, tumatawa lang siya mag-isa.

Sobrang moody rin ng tropa ninyo na to. May times na sobrang hina na niya dahil exhausted na. After a good 20 minutes ng kanyang QUICK CHARGE, ayan na naman ang kulit niya. Siya yung pabiro niyong sinasabihan ng “Last Mo Na Yan”, dahil ang totoo, hindi mo talaga kuha yung humor niya.

Pero pag naka-meet kayo ng bagong friends, or sa bar, o kapag magtatanong ng direksyon when you are naliligaw na, siya ang pinangfo-front ninyo. Siya kasi ang madaling maka-get to know. Masarap kasama, madaling pakisamahan, walang tapon – yan siya. Importante siya sa tropa.

Honestly pre, eto ang bet ko na phone sa Flare S5 series.

 

The Pampuno
Flare S5 – Php5,699

Relatively, ok naman siya eh. Pwede na. Pwedeng utangan, nakaka-gets naman ng joke. Tumatawa, nanlilibre pag birthday, nag-aambag sa inuman, pero hindi siya yung nagdadala ng usapan.

Marunong dumipensa. Nakaka-chamba naman sa shooting. Ayos lang din sa screen. Kung kulang kayo ng players, ok na siya.

Kung sa ibang tropa mo siya ilalagay, oo, aangat siya. Pero kung sa tropa ninyo, olats… Pampuno lang siya.

 

The PATALO.
Flare 5 – Php5,499

Eto, olats talaga. Siya ang butt of all jokes. Hindi mo lubos maisip kung bakit nandito pa sa tropa ninyo to. Siguro, para lang masabi na meron kayong puso at hindi kayo nag-a-abandona ng kaibigan.

Kumpara sa inyong lahat, siya ang pinaka-Basic. Basic lang talaga ang pagka-Octa Core niya.

Hindi din naman panget yung AMOLED screen niya. Hindi nga lang panlaban.

Siya yung LAST na pipiliin mo kapag nagda-draft kayo ng players sa mga larong kalsada.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *