Monthly Archives: December 2016

#MMFF2016 Review : Sunday Beauty Queen

We have been sending a lot of help to the world, and I think it is just right that the world must send help back.

This documentary film by Baby Ruth Villarama is for our OFW and their families. I am happy to see this dahil may mga pinsan din ako sa labas ng bansa. Iba yung pakiramdam na hindi mo sila nakakasama sa special occassions ng buhay buhay.

Stressful ang trabaho ng domestic helper, lalo na kung slave ang turing nila sayo. Hindi pantay na pagtingin mula sa amo, 24 hours na trabaho, tira-tirang pagkain, at Sunday lang ang rest day, yan ang buhay ng ating mga 4-year course graduates na mas ginustong mag trabaho sa Hongkong.

Buti nga at may mga pageant sila dun para ma-showcase ang talent at sumagot sa Q & A.

Gusto ko makanood ng pageant ng mga OFW, o kahit makapagpa-picture lang sa kanila. Makalipad na nga dun with Air Asia.

Sunday Beauty Queen

Sunday Beauty Queen

Pasensya na, hindi ko na appreciate ng husto yung movie dahil masakit na ulo ko. Last MMFF movie ko to. Pangwalo.

Pero I do appreciate yung soundtrack na pinatugtog sa credits. Relaxing. I wis marinig ko pa siya sa airwaves.

And I pray na yung mga OFW natin, safe sila kung saan man sila ngayon.

#MMFF2016 Review : Oro

Para sa hindi nakakaalam, Oro means GOLD. At dun umiiikot ang story ni Joem Bascon at ng kanyang island bario.

Akala ko, Seklusyon lang ang dark movie sa lineup. Mukhang hindi rin fan ang Solar Entertainment at Star Magic ng mga ilaw. Ironic dahil solar at star ang name ng company nila.

There is no humour in this movie. Naipakita yung conflict brought about by fake power and innocence. Siguro, kung mas matatalino ang mga tao sa barrio, hindi mahahantong sa ganito.

Kung may tagilid sa movie na to, ito ay ang sangkatutak na camera angles na tagilid. Hindi pantay ang horizon. Hindi ko tuloy alam kung hindi talaga pantay ang lupa sa barrio o sadyang nakalugay sa isang gilid ng ulo ang buhok ng cameraman.

Irma Adlawan

Irma Adlawan

Gusto ko yung inuman sessions sa barrio. Kung sanay kayo sa wine at sanmig light, subukan ninyo maginuman ng Tanduay o Emperador matapos ninyo yumuko ng maghapon sa ballmill para kumuha ng isang gramo ng ginto.

Mag-ingat lang sa mga goons. Kung saan may gold, dun may guns, at dun din may goons.

Yung character din ng Kapitana, nagpapatunay na kung hindi competent ang namumuno, siguradong may madi-deads na ka-barrio. Hindi ibig sabihin na twenty years na siya sa panunungkulan e tama na siya.

On to my last movie.

#MMFF2016 Review : Seklusyon

This is the darkest movie for the lineup. Galit talaga si Erik Matti sa gumawa ng light bulb. Puro kandila lang ata ang gusto niya. 

Ronnie Alonte is bida again. Usually, so Eugene Domingo lang ang nakakagawa ng ganito pag MMFF season, at suporting or guest role lang si Eugene. Pero si Ronnie, dalawang bida roles. Hindi naman siya ganun ka gwapo. 

Not everyone would appreciate this film. Maraming hindi nakakaintindi ng pagsasakripisyo ng mga pari. By learning that priests are human too, mas maiitindihan natin ang film na to. 

Yung pari na sinasabihan mo na boring mag-homily, ano na kaya mga pinagdaanan niya? 

Kung ikaw naman ay pari, siguro, kaya boring ang homily mo e dahil kulang ka pa sa human experience. 

Too cryptic, too dark. I guess the movie achieved what it is trying to do. 

I would have to commend yung gumanap na Anghela sa movie. Dinala niya ang character. Also, si Sister Cecilia, she is pretty, which mqkes it pretty sinful. Watch it to know what I mean. 

Next movie please. 

#MMFF2016 Review : Babae Sa Septic Tank 2.

Naramdaman ko na to dati, and i am feeling it again, this time,  mas mabigat dahil sa acting ni Kean Cipriano.

The conflict between an actress and her director, same lang yun ng conflict ng magulang sa anak, driver sa konduktor, pusa sa kuting, subect sa verb, at bass sa treble. Eto yung mga akala mo e okay sila dahil maganda yung kinalabasan ng finish product, pero hindi lang natin alam yung klase ng relationship nila habang ginagawa nila yung project.

Sa mga friends ko na nagta-trabaho, alam niyo yan, lalo na kung hindi ninyo kasundo yung boss ninyo.

Eugene Domingo is superb. Gustung gusto ko yung levels of Hugot at kung pano niya pinakita yung Level 2. Minahal mo ba ako talaga?

babae sa septic tank 2

babae sa septic tank 2

Joel Torre’s acting is the best as well. Nasa after credits scene siya.

This is my last movie on the first day. Tulog muna tayo. Bukas ulit.