#MMFF2016 Review : Die Beautiful. 

First movie ko for the Film Fest. Plan kong mapanood lahat. 11:25 ang start, 1:30 na rin natapos.

Mabigat yung movie. I was waiting for dull moments, hindi dumating. Makulay nga talaga ang buhay ng mga gay, lalo pa yung mga beks na parlorista.

Several facets na natatabunan ng makeup nila, yan ang pwede mo ma expect sa movie na ito. I just wish nakadalaw ako sa burol ni Trisha Echiverria at nakiramay. Nakapagpa-selfie sana ako dun sa nasa loob ng kabaong.

I was crying simula nung nilabas ang gunting at pinutol ang gown. Hindi huminto ang luha ko dahil nonstop na rin ang hinagpis.

die beautiful

die beautiful

Hindi nakakalito ang pabalik-balik na flashback. Hindi nakakapikon ang kabaklaan ng mga linya. Hindi nakakasawa ang rampa at kembot.

Nagustuhan ko rin ang pagpasok ni Iza Calzado at ni Eugene Domingo sa eksena. Grabe yun. Lahat ng cameo ay nakapagpabigat ng istorya. Akala mo, beau-con lang ng bading… hindi pala.

I congratulate this movie, its casts, directors, and producers.

On to the next.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *