#MMFF2016 Review : Oro

Para sa hindi nakakaalam, Oro means GOLD. At dun umiiikot ang story ni Joem Bascon at ng kanyang island bario.

Akala ko, Seklusyon lang ang dark movie sa lineup. Mukhang hindi rin fan ang Solar Entertainment at Star Magic ng mga ilaw. Ironic dahil solar at star ang name ng company nila.

There is no humour in this movie. Naipakita yung conflict brought about by fake power and innocence. Siguro, kung mas matatalino ang mga tao sa barrio, hindi mahahantong sa ganito.

Kung may tagilid sa movie na to, ito ay ang sangkatutak na camera angles na tagilid. Hindi pantay ang horizon. Hindi ko tuloy alam kung hindi talaga pantay ang lupa sa barrio o sadyang nakalugay sa isang gilid ng ulo ang buhok ng cameraman.

Irma Adlawan

Irma Adlawan

Gusto ko yung inuman sessions sa barrio. Kung sanay kayo sa wine at sanmig light, subukan ninyo maginuman ng Tanduay o Emperador matapos ninyo yumuko ng maghapon sa ballmill para kumuha ng isang gramo ng ginto.

Mag-ingat lang sa mga goons. Kung saan may gold, dun may guns, at dun din may goons.

Yung character din ng Kapitana, nagpapatunay na kung hindi competent ang namumuno, siguradong may madi-deads na ka-barrio. Hindi ibig sabihin na twenty years na siya sa panunungkulan e tama na siya.

On to my last movie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *