Telebabad: Every Question Needs An Answer

Telebabad muna tayo.

I am sure, sa ligawan stage ng kahit na anong relationship, nagkakaroon ng time na nagbababad tayo sa telepono. I can still remember talking to previous girlfriends at the wee hours of the morning.

Nakuha ko pa yung number nung unang ka telebabad ko sa pag eavesdrop. Hindi ko hiningi sa kanya. Natatandaan ko pa na ang last 4 digits nun ay 0790, and dahil by location, automatic na ang first 3 digits ng number ng area namin ay pare-pareho lang, hindi naging mahirap magkabisa ng phone number.

Ngayon, puro na tayo cellphone. Salamat nga at naimbento ang unlicalls. Ang problema lang ng mga naka-prepaid, napuputol lang siya after a set number of minutes. Sa Globe prepaid, 12-minute mark mapuputol ang tawag. That is a feature para dun sa mga natutulog sa call.

Kung mapuputol ang linya, wag ninyong sisihin ang kaupsan ninyo. Hindi ka niya binabaan. Napuputol lang talaga yun.

Kaya siguro sanay ako sa oras ng mga call center people kasi nga, sanay akong hindi matulog. Thank you sa mga naka-telebabad ko. Salamat to them.

This 2017, I am opening my line for a telebabad session. Of course, magpapaalam ako na recorded ang telebababad session, at kung ok naman at hindi boring, post natin sa soundcloud.

Siguro, once a month, at least. Ok na yan as first item sa aking To Do List in 2017.

Message niyo lang ako, at sabihin ninyo kung kelan kayo tatawag. I will make myself available. We can talk about anything, at may set of questions na ako to ask of you para sa ating Telebabad session.

Para sa first episode, pakinggan po natin ang mga sagot ni Mam Jeks sa 2017 questions sa aking soundcloud.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *