This has been the story of Miah and Ebe.

There is something about songs and music that bond people; maybe two persons that are really strangers to each other, instantly become friends like they are destined to unite their voices – making a simple song a masterpiece.

This has been the story of Miah and Ebe.

Si Ebe Dancel, yung bokalista ng sugarfree. Lahat ng kanta niya sa Sugarfree, nakalapat na sa isang stage play na magre-rerun ngayong January – Sa Wakas. Wala pa akong ticket at wala pa akong date.

Si Miah, isang fan ni Ebe. Bumili siya ng album ng kanta ni Ebe. Napakinggan niya ang ilan sa mga kanta nito. Siguro, heartbroken din siya nung una niyang marinig ang kanta na “Dapithapon”. Siguro, tumagos sa puso niya ang lyrics. Siguro, na-LSS siya sa music. Pinaglaruan niya ang boses niya at nilagyan niya ng sariling version.

Nagkita sila sa Conspiracy Bar last year. September nun. Ni-request ni Miah kay Ebe ang song na “Dapithapon”. Nagulat si Ebe, dahil hindi naman talaga kasama sa set ang kanta na yun. Malamang nga, nakalimutan na ni Ebe ang chords pati ang letra, pero dahil sa ningning ng mga mata ni Miah, sinubukan niyang kapain.

Bumitaw ng unang mga tono at salita si Miah, kasabay ng pag-gitara ng idolo natin. After the first verse, si Ebe naman. Sa kalahati ng second verse, binigyan ni Miah ng malupit na second voice ang kanta.

Nag-duet sila over the chorus, towards the bridge, papunta sa coda. Feeling ko talaga, matagal na silang magkakilala. Maririnig mo sa background ang mga tanong, “friends ba sila?”, “sino yung girl?” , “kaninong kanta yun?” , “nag-rehearse ba sila?” Lahat naguguluhan.

Ngayon lang ulit naramdaman ni Ebe ang mensahe ng kanta.
Ngayon ko lang narinig ang kanta.
Ngayon, natupad ang hiling ni Miah na maka-duet si Ebe.

Ang mensahe ng kwentong ito ay simple lang. Dapat para tayong si Ebe na hindi takot makaalala. Dapat para tayong si Miah na pursigido at creative. Dapat, para tayong tayo, na hindi nawawalan ng pag-asa, dahil yung ka-duet natin, sa kanta na akala natin ay walang kwenta, ay parating na. Mag-antay lang tayo.

Panoorin ninyo ang video:

Published on Sep 2, 2016 by Blade Navarro

on September 2, 1:00 am Conspiracy bar QC, Ebe Dancel pulled an 18 year old girl , from the audience to sing with him. He wasn’t expecting she’d be this good.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *