Telebabad: Sinong Single sa Feb 11?

Familiar ako sa Pansol. Around 3 years ago nung pabalik-balik ako dun. The place is relatively accessible from Manila. Imagine, one ride lang siya from Buendia, or anywhere in EDSA.

Pansol has been the Team Building capital ng lahat ng call center sa Manila. Pag sinabi mong mura na place, matic, Pansol yan. Kumpleto naman kasi, bukod sa may swimming pool, may Videoke machine pa kaagad. Yung iba, may darts or billiard table pa. Swerte mo rin kung may slide yung swimming pool ninyo.

Safe din dahil pwede mag park ng sasakyan sa mala-Village nilang mga resort. Pagbaba mo ng bus sa highway, walking distance na lang yung mga resort.

Kaya naman the place is dear to me.

E narinig ko, may mangyayari daw na pre-Valentine Meet and Mingle dun. Nakita ko yung post ni Arianne na naghahanap siya ng mga Single for Feb 11. Nakakatuwa yun dahil naisip ko, single nga pala ako.

Things are being finalized pa. We can watch out sa FB page ng Kampeon Ng Pagibig para sa kung saan ang venue.

Happening on Feb.11. Singles are invited for unlimited cocktails and fingerfoods. This will be the last weekend before Valentines.

Para hindi malamig ang Valentines mo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *