Vendo Machine

Kanina, sa pantry ng 9th floor sa aming opisina. may ate gurl na nakatitig sa vendo machine ng mga chichirya.

Friday na. Onti na lang ang laman ng vendo. Mga junk food na hindi gawa ng jack en jill pero mas mahal ng onti, dahil feeling ng mga vendo machine companies e ginto ang suweldo ng mga nasa call center.

oregon vending machine

oregon vending machine

Matagal na nakatitig si ate gurl. After ang ilang segundo pa ng pagkakatitig niya, ipinasok na niya ang kanyang sampumpisong barya.

Bago siya makapindot ng kanyang pipiliin, nagkaroon ako ng chance na matanong siya, “mahirap bang pumili”.

Hindi ko na siya tinignan sa mata. Sapat na sa akin ang makabitaw ng isang hugot sa isang araw. Napangiti ko naman siya. Solb na ako.

Pero hindi lang ngiti ang ibinalik niya sa akin, sinagot niya ang tanong ko na may kasamang ngiti sa labi, pero lungkot sa mga mata.

“Onti na nga lang ang pagpipilian mo, yung mga ayaw mo pa.”

Ganyan ang nangyayari sa atin na pinapatagal pa ang panahon bago umamin sa taong mahal natin. Nauubusan tayo ng chances. Baka antay tayo ng antay, hindi naman pala marerefill ang vendo machine.

Baka mag-resign na lang tayo sa trabaho, hindi pa rin marefill ang vendo machine.

At wag ka mag-antay ng Jack en Jill Chiz Curlz dyan. Hindi yan kasama sa vendo namin sa 9th floor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *