Monthly Archives: March 2017

Bakit Tayo Binibitawan?

Simple lang ang tanong ni Soprano One ngayong March 31, 2017 – 4:29pm. Bakit tayo binibitawan? Hindi ko alam kung anong nakain nito, kung nagjo-joke ba siya, o may napakinggan na naman na kakaibang story sa radyo.

Couple Holding Hands

Couple Holding Hands

Which brings me to answer, bakit nga ba tayo binibitawan? Maraming posibleng sagot. Eto lang mga naisip ko: Continue reading

Ang Tamang Pagbaybay Sa Mga Letra Ng Kanta

Hindi naman ako aspiring singer. Hindi ako lumalaban sa mga singing contests. Kapag may kantahan, hindi ako ang first choice. Hindi ako bokalista ng banda, tenor sa chorale, o choir member sa simbahan. Para sa akin, hindi big deal ang pagkanta.

Ginagawa ko lang siya pag trip ko.

Minsan, napag-uutusan ako mag-review ng mga kanta para sa website na gigsmanila.com. Kapag trip ko, go. Kadalasan, yung meaning at flow ng mga kanta sa isang album ang basehan ko sa paggawa ng review.

Kaso, may iba pa palang elements ang mga kanta. Continue reading

Anong Number Ni Papa Jack Sa Energy FM?

Palakpak tenga ko, paghello pa lang ni Papa Jack kagabi. Start na kasi siya sa bago niyang radio station. Nasa Energy FM na siya ngayon.

Walang kinuwento si Papa Jack mo tungkol sa kanyang paglipat. Ayaw ni Papa Jack na maging tungkol sa kanya ang programa niyang ito. Ang paulit-ulit lang niyang sinasabi, sila ang magiging future number 1.

Hinahamon pa niya ang dati niyang istasyon. Nagpaparinig din siya kay DJ Chacha ng MOR.

Kasabay ng pagpapakilala niya kay Rekto / Recto, binanggit na rin niya ang phone number ng kanyang bagong istasyon.

721 2429

Hindi naman nagtagal, tumawag na ang first caller niya, si Jeremiah. Right away, tinanong agad ni Papa Jack kung anong trabaho ni Jeremiah. Tinanong niya kung ilan taon na. Immediately, profiling kaagad.

Ito ang Papa Jack na kakilala ko. Parang walang nagbago. Parang hindi siya nawala ng tatlong buwan.

Kampeon with Papa J

Kampeon with Papa J

After a few kwento, sabi ni Papa Jack – Let’s not create a problem if there is not really a problem. Ganun tayo minsan. Wala naman dapat pag-usapan, pinipilit pa natin na meron. Kapag ok ang lahat, ok na! Ang hindi ko lang alam, kung tama ang grammar ng sentence na yun. English eh.

Next caller called him Papa John. He answered, “anong slice gusto mo?” Gusto ko tuloy ng Papa John’s pizza. Maka-kain nga nito bukas. Post ko sa Instagram ko. Follow niyo ako @pepideleon.

Grace ang pangalan ng second caller. Akala niya first caller siya, pero hindi siya nagtagumpay.

The third case is quite tricky.

Mikay from Canada with a 5-yr old baby has a problem about the father of her son – having an affair.

Lumabas ang pagiging Friend on the Radio ni Papa J. Oo nga pala, Papa J na siya ngayon. Hindi na niya pwede gamitin ang Papa Jack.

I love his way getting trust from his callers. Iba eh. Ibibigay mo talaga ang tiwala mo. Paano naman nga susundin ang advise mo kung hindi nagtitiwala sayo ang humihingi ng advise.

Anyway, this story got me teary-eyed. Mabigat ang problem, at ang solusyon ay mabigat din sa dibdib. Sinabi na nga lang ni Papa Jack, “You deserve a better guy, and you deserve a better you.”

Papa Jack pa rin ang itatawag ko sa kanya hanggang ngayon. Yun ang sikat na pangalan niya eh.

Ang title ng Radio Show nga pala ay Hello, STG. / Hello – Sorry, Thank You, and Goodbye.

The 4th caller is Yel from Bahrain. This one is most controversial. May special friend daw siya, nag-kiss na raw sila, ang problema, may jowa si kuya. Pa-fall din tong kuya na to e. Nasermonan tuloy si Yel.

Kayo kasing mga babae, ang hilig ninyo magpa-uto.

na- miss ko to!

 

 

Yung FJ Cruiser Ng Toyota, Gusto Ko Nun!

Iba ang porma ng FJ Cruiser. Mukha siyang pickup na malaki. Pwede siyang pambaha kapag na-Yolanda ulit tayo. Mukhang macho ang kotse mo.

Higit sa lahat, Toyota siya.

Ang usual na kulay na nakikita ko sa FJ Cruiser e yung kulay dilaw. Yung kulay bumble bee. Pag nakakakita ako ng FJ Cruiser, napapalingon talaga ako. Inaabangan ko yung pag transform nito na parang autobot.

Kinakabahan ako ng onti na nae-excite.

Lalo pa siguro pag nakasakay ako ng FJ Cruiser. Pag meron ako nun, makakasali nako sa FJ Summit 2017.

Sana lang, hindi trapik sa Maynila.

*****

The Pilipinas FJ Summit™ 2017 is Coming!

The Toyota FJ Cruiser is a retro style, mid-size SUV with styling and off road performance reminiscent of the original Toyota Land Cruiser (FJ40). Continue reading