Anong Number Ni Papa Jack Sa Energy FM?

Palakpak tenga ko, paghello pa lang ni Papa Jack kagabi. Start na kasi siya sa bago niyang radio station. Nasa Energy FM na siya ngayon.

Walang kinuwento si Papa Jack mo tungkol sa kanyang paglipat. Ayaw ni Papa Jack na maging tungkol sa kanya ang programa niyang ito. Ang paulit-ulit lang niyang sinasabi, sila ang magiging future number 1.

Hinahamon pa niya ang dati niyang istasyon. Nagpaparinig din siya kay DJ Chacha ng MOR.

Kasabay ng pagpapakilala niya kay Rekto / Recto, binanggit na rin niya ang phone number ng kanyang bagong istasyon.

721 2429

Hindi naman nagtagal, tumawag na ang first caller niya, si Jeremiah. Right away, tinanong agad ni Papa Jack kung anong trabaho ni Jeremiah. Tinanong niya kung ilan taon na. Immediately, profiling kaagad.

Ito ang Papa Jack na kakilala ko. Parang walang nagbago. Parang hindi siya nawala ng tatlong buwan.

Kampeon with Papa J

Kampeon with Papa J

After a few kwento, sabi ni Papa Jack – Let’s not create a problem if there is not really a problem. Ganun tayo minsan. Wala naman dapat pag-usapan, pinipilit pa natin na meron. Kapag ok ang lahat, ok na! Ang hindi ko lang alam, kung tama ang grammar ng sentence na yun. English eh.

Next caller called him Papa John. He answered, “anong slice gusto mo?” Gusto ko tuloy ng Papa John’s pizza. Maka-kain nga nito bukas. Post ko sa Instagram ko. Follow niyo ako @pepideleon.

Grace ang pangalan ng second caller. Akala niya first caller siya, pero hindi siya nagtagumpay.

The third case is quite tricky.

Mikay from Canada with a 5-yr old baby has a problem about the father of her son – having an affair.

Lumabas ang pagiging Friend on the Radio ni Papa J. Oo nga pala, Papa J na siya ngayon. Hindi na niya pwede gamitin ang Papa Jack.

I love his way getting trust from his callers. Iba eh. Ibibigay mo talaga ang tiwala mo. Paano naman nga susundin ang advise mo kung hindi nagtitiwala sayo ang humihingi ng advise.

Anyway, this story got me teary-eyed. Mabigat ang problem, at ang solusyon ay mabigat din sa dibdib. Sinabi na nga lang ni Papa Jack, “You deserve a better guy, and you deserve a better you.”

Papa Jack pa rin ang itatawag ko sa kanya hanggang ngayon. Yun ang sikat na pangalan niya eh.

Ang title ng Radio Show nga pala ay Hello, STG. / Hello – Sorry, Thank You, and Goodbye.

The 4th caller is Yel from Bahrain. This one is most controversial. May special friend daw siya, nag-kiss na raw sila, ang problema, may jowa si kuya. Pa-fall din tong kuya na to e. Nasermonan tuloy si Yel.

Kayo kasing mga babae, ang hilig ninyo magpa-uto.

na- miss ko to!

 

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *