Ang Tamang Pagbaybay Sa Mga Letra Ng Kanta

Hindi naman ako aspiring singer. Hindi ako lumalaban sa mga singing contests. Kapag may kantahan, hindi ako ang first choice. Hindi ako bokalista ng banda, tenor sa chorale, o choir member sa simbahan. Para sa akin, hindi big deal ang pagkanta.

Ginagawa ko lang siya pag trip ko.

Minsan, napag-uutusan ako mag-review ng mga kanta para sa website na gigsmanila.com. Kapag trip ko, go. Kadalasan, yung meaning at flow ng mga kanta sa isang album ang basehan ko sa paggawa ng review.

Kaso, may iba pa palang elements ang mga kanta.

Gaya na lang nung lately na pinupuna sa akin ng aking voice coach. Yung mga salita daw, alanganin daw ang pagbigkas ko.

Kapag kumakanta ka, wag mo daw paghihiwalayin ng baybay ang mga salita. Obvious yun, common sense, technique ng marunong; pero ang totoo, hindi ko yun nagagawa.

Sampol – yung salitang Buhay. Hindi siya Bu Hay. Dapat hindi mo bigyan ng awkward pause. Wag kang huminga o lumunok sa gitna. Kung no choice, dapat bigkasin as Bu-hay.

Ganun din sa iba pang mahahabang salita. Mas obvious siya sa English songs, kasi nga, hindi naman ako Amerikano.

Simple lang naman paalala ni voice coach. Wag natin gawing komplikado ang mga bagay. Simplehan lang natin. Hindi tayo nagra-rap. Kumakanta tayo. Pwedeng lagyan ng emosyon, pero dapat – simple lang.

Masarap ka-duet si voice coach. Lalo na pag sinimulan ng “Sa pagpatak”.

After 4 hours:
Ano ba yan. Binasa ko yung post ko, parang walang pinatunguhan. Kanta na nga lang ako….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *