Bakit Tayo Binibitawan?

Simple lang ang tanong ni Soprano One ngayong March 31, 2017 – 4:29pm. Bakit tayo binibitawan? Hindi ko alam kung anong nakain nito, kung nagjo-joke ba siya, o may napakinggan na naman na kakaibang story sa radyo.

Couple Holding Hands

Couple Holding Hands

Which brings me to answer, bakit nga ba tayo binibitawan? Maraming posibleng sagot. Eto lang mga naisip ko:

  • Mainit Kasi…

Na-experience na ito ng lahat ng masisiba sa pagkain. Yung kalalapag pa lang ng kaldero sa lamesa, attack agad. Wala nang pot holder – pot holder. Diretso hawak sa takip ng bagong hangong sinaing. Parang mauubusan. Pag naramdaman ng mga daliri na hindi nila kaya ang init, bigla na lang mabibitawan.

Yan kasi ang problema kapag hindi natin pinaghandaan. Hindi sapat na gusto natin ang makakain at mabusog. Dapat, handa tayo. Para hindi tayo mapaso.

  • May Hahawakan Tayo Na Iba.

Yung mga maggo-grocery dyan ngayong payday, alam ko mayaman kayo, pero tandaan ninyo na dalawa lang ang mga braso ninyo. Isang malaking box ng groceries, full na ang hand mo. I am sorry, pero kung gusto mo magbitbit pa ng iba, dapat mo bitawan kung ano man yang bitbit mo.

Limitado kasi ang resources natin. Limitado ang oras. Limitado ang yaman, ang sweldo, ang panahon, at ang atensyon. I suggest, instead of dividing your resources, focus them on one. At least, maibibigay mo ng buo at walang kahati.

Matalino din maituturing ang marunong gumamit ng push cart.

  • Dahil Pasmado Tayo.

O talagang hindi lang swak ang mga kamay niya sa kamay mo. May ganun e.

May mga maaarte tayong mga kasama na ayaw ng mga basang kamay. Ganun talaga, preference nila yun. Wag natin ipilit lalo na kung pasmado ang mga kamay natin.

Wag ka mag-alala. May mga taong kagaya ko naman na walang issue sa pasmadong kamay.

  • Wala Siyang Kamay. 

May friends ako na iba ang abilities, at hindi kasama ang mga kamay sa tools nila para ma-exploit ang abilities nila. Ganunpaman, kaya nila humawak at kumapit sa mga bagay na mahal nila.

Sila na nga itong walang mga palad, sila pa ang kayang tumagal sa pagkakahawak.

***

Ikaw ba, ano ba ang dahilan niya para bitawan ka?

ano?

sige nga… :/

 

****

Ni-replyan ko si Soprano One ng “Hindi kita bibitawan”.
Akala ko sobrang sweet ko na…

Kaso.
Ang sagot niya, “Muka mo, hahahq!”

🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *